Mga magnanakaw sa school sa Iloilo, nag-iwan ng note: “Pasensya na”

by Bernie V. Franco
Jan 23, 2023
apology note oton elementary school
Tinangay ng mga magnanakaw ang stand fans, wall fans, air-conditioner, speakers, at flat-screen TV sa Parent-Teacher Association (PTA) office ng paaralan.
PHOTO/S: Facebook (OTON, Iloilo: My Hometown)

Nag-iwan ng “sorry note” ang mga nagnakaw sa isang kuwarto ng Oton Central Elementary School sa Iloilo.

Tinangay ng mga suspek ang labing-apat (14) na stand fans, dalawang wall fans, isang air-conditioner, speakers, at isang flat-screen TV sa Parent-Teacher Association (PTA) office ng paaralan.

At ang “ebidensyang” iniwan ng mga kawatan ay isang mensaheng isinulat gamit ang chalk.

Ganito ang nakasulat sa blackboard (published as is): “Pasensya na wala kaming Bigas kami ang Mag nanakaw.”

Kinumpirma ng mga pulis ng Oton na ini-report sa kanila ang insidente ng pagnanakaw noong Linggo, January 15, 2023.

Iniangat ang isang bakal sa window grills para makapasok ang mga magnanakaw, at gumamit ng puwersa para sirain ang pinto ng kuwarto at mailabas ang mga gamit.

school robbery iloilo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

school robbery iloilo

Naniniwala ang mga pulis na planado ang ginawang panloloob sa kuwarto at maaaring nagmatyag muna ang mga kawatan bago kumilos.

“May nakita silang parang mga tao na tumatawid. Hindi natin na-determine ang edad.

"Iyan pa ang inaalam natin,” ani Major Fernand Limbungan, chief ng Oton Municipal Police Station, sa ulat ni John Sala ng GMA Regional TV One Western Visayas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Suspetsa ng school officials, posibleng nagmasid ang mga magnanakaw habang abala ang lahat sa basketball league games sa school gymnasium.

May netizen na nagkomentong hindi dapat sisihin ang mga suspek kundi ang hirap ng buhay ngayon.

Katuwiran naman ng ibang netizens, hindi dahilan ito para gumawa ng masama.

Samantala, sinabi ng school officials na magdadagdag sila ng seguridad at humingi rin sila ng tulong sa mga awtoridad.

Bukod sa magtatalaga ng security guard, magdadagdag daw sila ng CCTV. Iisa lang ang CCTV sa buong eskuwelahan.

Ulat ng Inquirer, may persons of interest na ang pulisya, pero kailangan pa nilang i-verify ang kanilang impormasyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinangay ng mga magnanakaw ang stand fans, wall fans, air-conditioner, speakers, at flat-screen TV sa Parent-Teacher Association (PTA) office ng paaralan.
PHOTO/S: Facebook (OTON, Iloilo: My Hometown)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results