Nagulat ang mga staff ng isang branch ng McDonald's sa Yarrabilba, south of Brisbane, Queensland sa Australia nang isang babang nasakay sa kabayo ang nag-order sa drive-thru ng fast-food restaurant.
Ang kakatwang pangyayari ay iniulat ng Mail Online noong July 18, 2023.
Bagaman common na makakita ng mga nakasakay sa kabayo sa bahaging ito ng mundo, hindi ordinaryo na pumapasok ang naturang hayop sa fast-food drive-thru para mag-order.
Read: Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga
Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert
Ang babaeng sakay ng gold-coated Palomino ay nag-order ng small soy chai latte.
Hindi siya tinanggihan ng staff.
Gayunpaman, sinabi ng tagapagsalita ng McDonald's sa Daily Mail Australia na “strictly prohibited” ang kabayo sa drive-thru para mapangalagaan ang kaligtasan ng rider at ng staff.
Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs
Nag-post naman ng video sa kanyang TikTok channel na @sme_centre ang babaeng sakay ng kabayo.
Sa video ay makikitang pumasok ito sa drive-thru kasunod ng dalawang kotse, at maririning ang boses ng babae: “It says ‘no pedestrians,’ but it doesn't say no horses, so we're good.”
Pagdating sa unang window, sinabi nito kung ano ang order.
Bahagyang sumilip ang kabayo sa window kaya nagulat ang cashier, at nakuha rin ang atensiyon ng iba pang staff.
Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers
Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn
Makalipas ang ilang sandali ay tuwang-tuwang hinaplos ng mga staff ang kabayo.
Nang makapagbayad, naglakad na ang kabayo papunta sa pick-up window.
Doon ay sinalubong din sila ng iba pang staff na tuwang-tuwa sa kakaibang ride ng kanilang customer.
May nag-hello pa na sa staff sa kabayo, at may nag-take rin ng video.
Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know
Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena
Paro ang na-post na video ng babae at ng kabayo sa TikTok ay umani ng batikos sa netizens.
Komento ng marami, dapat ay hindi pinayagan ng drive-thru staff na maka-order ang babae.
May mga nagsabing sinubukan din nila ang ganito sa ibang drive-thru ng McDonald’s pero tinanggihan sila.
May ilan namang na na-excite sa posibilidad na dahil sa ginawa ng babae ay baka payagan na ang pag-order sa drive-thru sakay ng kabayo.
Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”
Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!
Pero paglilinaw ng McDonald's spokesperson, “Ensuring the safety of our people and customers is our top priority at McDonald's.
“We have strict safety policies in place and do not allow customers on horseback through the drive-thru, for the safety of the rider, our employees, fellow customers and the animal.”
Hindi pinapayagan sa drive-thru maging ang motorsiklo at bisikleta—at lalo na kung ang mag-o-order ay walang dalang sasakyan.
Biro naman ng babaeng sakay ng kabayo kung bakit niya ginawa iyon, "I have no shame."
At namamahalan na rin umano siya sa presyo ng gasolina.
Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce