Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

They claim they are “the most identical in the world.”
by KC Cordero
Sep 7, 2023
The twins with their boyfriend
Walang selosan sa relasyon ng kambal na sina Anna at Lucy sa kanilang boyfriend na si Ben. Magkakasama sila ngayon sa iisang bubong, at gusto ng kambal na parehong silang mabuntis ng boyfriend.

Ang identical twins na sina Anna at Lucy DeCinque ay magkamukhang-magkamuka at laging magkasama

Thirty-five years old na sila.

Iisa ang kanilang kama, pareho ang kanilang kinakain, at naliligo daw nang sabay. Halos sabay rin sila kung makaramdam ng tawag ng kalikasan.

Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo

The twins

Pareho rin sila ng mga isinusuot na damit.

Sumailalim din sila sa plastic surgery para hindi mapansin ang maliit na pagkakaiba sa pagitan nila.

Read: Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga

Sila rin ay in love sa iisang lalaki.

Sina Anna at Lucy ay naging bahagi 2021 TV series na Extreme Sisters.

Sa show, sinabi ng kambal na pareho nilang iniisip na iisang tao lang silang dalawa.

Nag-claim din sila bilang “the most identical in the world.”

The twins

Kaya maging sa pag-ibig, iisa lang ang lalaking napusuan nila.

Nagsimulang makipag-date sina Anna at Lucy kay Ben Byrne noong 2012.

Na-meet nila si Ben sa Facebook. May kakambal din ito.

Noon ay magkabukod ang ipinapadalang messages ni Ben kina Anna at Lucy.

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

Makalipas ang anim na buwan na pakikipag-chat, naramdaman nina Anna at Lucy na pareho nilang gusto si Ben.

Nagdesisyon silang dapat ay pareho nilang i-date ang lalaki.

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

WALANG SELOSAN SA RELASYON

Ayon kay Anna sa isang episode ng Extreme Sisters, “Sharing a boyfriend for us means we get to be together all the time.”

Ayaw nila na magkaroon ng magkaibang boyfriend dahil mangangahulugan iyon sa kambal na magkakahiwalay sila.

“There’s no jealousy in this relationship. If Ben kisses Anna, he’ll kiss me straight after," kuwento naman ni Lucy.

Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

The twins with their boyfriend

Nakatira na ngayon si Ben sa bahay ng magkapatid sa Perth, Australia.

“Intimate” ang relasyon niya kina Anna at Lucy.”

Ayon sa kambal, “Ben in his own way will please both of us.

“If Ben does something to one twin in the bedroom, he has to do it to the other.”

Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn

HINDI PUWEDE NA PAREHONG PAKASALAN ANG KAMBAL

Pero kahit engaged na si Ben sa kambal simula pa noong 2021, ang tatlo ay hindi maaaring magpakasal.

Paglabag ito sa polygamy laws ng Australia.

Para kay Ben, ang batas na ito ay “totally unfair.”

Aniya, ang pumipigil sa kanilang tatlo na maging totoong masaya ay dahil hindi niya puwedeng pakasalan pareho ang kambal.

Iyon aniya ang pinakamalaking conflict sa relasyon niya with Anna at Lucy.

Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know

KAMBAL GUSTONG MAGBUNTIS

Ibinahagi rin nina Anna at Lucy na ngayong 2023 na plano nilang dalawa na magbuntis.

“We want to experience everything together. We can’t live without each other.

“If it’s possible, we’d like to be pregnant together. At the end of the day, it’s how we choose to live our life and we’re happy like that.”

Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena

The twins with their boyfriend

Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”

Pero hindi naman umano nila pine-pressure si Ben, na nauunawaang gusto ng kambal na lagi silang pareho at laging magkasama araw-araw.

At nagpapasalamat ang kambal na natagpuan nila ang kanilang “the one” sa katauhan ni Ben.

Bagaman at umaasa sina Anna at Lucy na pareho silang mabubuntis ni Ben, magiging masaya pa rin daw ang kambal kahit isa lang sa kanila ang maunang magdalang-tao.

“As long as the child is happy and healthy, that’s all that matters.

“We’ll both be the mums, Ben would be the dad, so they would have two mums and one father.”

Read: kataka-taka, hindi siya nilapa!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang selosan sa relasyon ng kambal na sina Anna at Lucy sa kanilang boyfriend na si Ben. Magkakasama sila ngayon sa iisang bubong, at gusto ng kambal na parehong silang mabuntis ng boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results