Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian

Dedma kahit sabihing lola ni guy ni wifey.
by KC Cordero
Sep 6, 2023
Photos of Deborah and Saitoty
Maikli lang ang courtship stage nina Deborah at Saitoty bago sila lumusong sa marriage. May mga nagsasabing pinakasalan lang ng lalaki ang babae dahil sa opportunity. Pero ang sabi ng dalawa, “We just like to focus on us and our happiness."

Nakilala ni Deborah Babu, 60, isang retired police officer sa Sacramento, California, USA, si Saitoty, 30, noong magbakasyon siya sa Zanzibar, Tanzania, taong 2017.

Nasa isang beach noon si Deborah at naglalakad-lakad nang alukin siya ni Saitoty ng tinda nitong souvenirs.

Tinanggihan niya ang mga iniaalok nito.

Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Photo of Deborah and Saitoty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

Gayunpaman, pumayag si Deborah na magpa-picture kasama si Saitoty.

Nagkuwentuhan sila, nakapalagayang-loob, and eventually, naging magka-chat online.

Sinamahan pa si Deborah ni Saitoty sa iba pang lugar na gusto niyang pasyalan sa Tanzania.

Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years

THEY GOT MARRIED

Nang makabalik na si Deborah sa U.S., niyaya siya ni Saitoty na magpakasal.

Dalawa ang naging concerns ni Deborah.

Una, ang kanilang age gap. Matanda siya ng 30 years kay Saitoty.

Pangalawa, ang kanyang mga anak, pero naging supportive naman sa desisyon ng kanilang ina.

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Photo of Deborah and Saitoty

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong December 2017, nagbalik siya sa Tanzania, at nagpakasal sila ni Saitoty.

June 2018, nagkaroon sila ng traditional Maasai wedding—na historically ay edad 12 to 20 ang mga brides.

July 2022 ay tuluyan nang naging legal ang kanilang kasal.

Photo of Deborah with relatives of Saitoty

Kilala na rin si Deborah sa Maasai name niya na Nashipai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naninirahan sila sa pamilya ng kanyang husband, na ngayon ay isa nang cattle farmer.

Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers

HAPPILY MARRIED

Aminado si Deborah na whirlwind romance ang naganap sa kanila ni Saitoty.

Aniya, "I never expected to find a husband and marry someone so much younger than me.

“But he is the kindest and most caring man.”

Nang yayain umano siya nito na magpakasal, ang kanyang unang naging reaction: “I thought he was crazy.”

Muli ay isinaalang-alang niya ang kanilang age gap.

Mabuti na lang at supportive ang kanyang mga anak at kamag-anak

"They said I shouldn’t care about the age gap as I’d been alone long enough and deserved to be happy.”

Aminado rin siyang iba ang takbo ng buhay sa Tanzania.

Pero ang pinakamahalaga, ayon kay Deborah, “I’m happy.”

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts

SAITOTY, AN OPPORTUNIST?

Pero may ibang tao na hindi suportado ang relasyon ni Deborah kay Saitoty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkikibit-balikat na lang niya ang mga negatibong kritisismo, lalo pa at sa piling ni Saitoty niya naramdaman ang tunay na kaligayahan.

Kuwento ni Deborah, may nagsasabi sa kanya na pinakasalan lang siya ni Saitoty para magkaroon ito ng green card.

Masakit aniya iyon sa kanya dahil, “I know how little his desire is to live in America."

Hindi rin aniya maunawaan ng lahat ang hiwaga ng pag-iibigan nila ni Saitoty.

May mga pagkakataong natatanong siya kung si Saitoty ay ampon niya—o kung siya ang lola nito.

Ang mga ganitong comments, aniya, "can make Saitoty upset.”

Kaya ang ginagawa nilang dalawa, “We just like to focus on us and our happiness."

Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

AGE IS JUST A NUMBER

Ayon naman kay Saitoty, lagi siyang nasa cloud nine sa piling ni Deborah. Ang pagpapakasal ay isang big step para sa kanya.

Bukod sa maganda, lagi rin siyang suportado ng kanyang misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi niyang ipinagmamalaki ang kanilang marriage.

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

Photo of Deborah and Saitoty

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok

Kuwento ng happy husband, “First time I saw her I felt like I’d seen an angel.

“We laughed together and took a photo, and she just melted my heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She’s beautiful and kind and she supports me."

Paglalarawan naman ni Deborah kay Saitoty, funny and romantic ito.

Nawala na rin aniya ang mga alinlangan niya sa kanilang marriage.

"As Saitoty said to me when he was convincing me to marry him—age is just a number.”

Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maikli lang ang courtship stage nina Deborah at Saitoty bago sila lumusong sa marriage. May mga nagsasabing pinakasalan lang ng lalaki ang babae dahil sa opportunity. Pero ang sabi ng dalawa, “We just like to focus on us and our happiness."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results