Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Komento ng netizens: “My father’s wife is my ex-girlfriend.”
by KC Cordero
Sep 8, 2023
Wedding photo
Hindi dumating ang groom at malaki ang nagastos ng magkabilang partido sa kasal, ang solusyon: pinalitan ng father-in-law ang anak at pinakasalan ang bride-to-be.

Malungkot ang dapat ay pinakamasayang araw ng isang bride-to-be sa Indonesia nang hindi siya siputin ng kanyang groom sa araw ng kanilang kasal noong August 29, 2023.

Ang groom ay nakilalang si Isra.

Ang bride-to-be na na-ghosting ay kinilala lang ng Indonesian media sa tawag na “SA.”

Si SA ay nagmula sa isang village sa Jikotamo, South Halmahera.

Matagal na rin ang kanilang relasyon ni Isra.

Ang kawawang bride na rin ang nagsabi sa mga bisita na hindi na matutuloy ang kasal.

Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

Scene in the wedding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinoy factory workers sa Taiwan, unli fresh seafood ang libreng nahuhuli sa kalapit ilog

Para sa pamilya ni SA at maging sa pamilya ng nag-chicken out na groom, hindi katanggap-tanggap ang sitwasyon.

Malaki kasi ang nagastos ng magkabilang partido para sa preparasyon ng kasal.

Na-settle na rin ang dowry— ang pera o alahas na ibinayad ng pamilya ng groom para mapakasalan ang mapapangasawa.

Ang tradisyon ng pagbibigay ng dowry ay isinasagawa pa rin sa ibang bansa sa Asia.

Sa kakaibang twist ng mga pangyayari, para hindi masayang ang dowry, natuloy pa rin ang kasal ni SA.

Pero hindi na sa kanyang groom—kundi sa dapat sana ay biyenan niyang lalaki.

Read: Teacher in Masbate aiming to give free lunch to students daily for entire year

Screenshot of video

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kasambahay na si Elvie Vergara, hinarap sa Senado ang mga dating amo na nagmaltrato umano sa kanya

Ang video ng kasal ni SA sa ama ni Isra ay viral ngayon sa Indonesian social media.

Sa panayam ng TribunJatim.com, isang local news outlet sa Indonesia, kay Wisto Ahmad, kapatid na lalaki ni SA, sinabi niya na kumpleto na ang mga bisita sa kasal nang ipaalam sa kanila ng pamilya ng groom na hindi matagpuan si Isra.

Kinumpirma rin ni Wisto na ikinasal si SA sa ama ng groom.

Lumalabas na bagaman at isang malaking kahihiyan para sa pamilya ni SA ang hindi pagsipot ng kanyang tunay na groom, mas naging concern sila sa nagastos na 25 million rupiah (US$1,700) o PHP96,551.50 para sa kasal.

At para hindi masayang ang nagastos, itinuloy na lang ang kasal at pinalitan si Isra ng ama nito.

Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halu-halo ang naging reactions ng Indonesian social media sa naganap na unusual wedding.

Marami ang natawa sa sitwasyon.

May mga nalungkot din sa sinapit ni SA.

Komento ng isa, “My father’s wife is my ex-girlfriend.”

Binatikos naman ng iba ang pamilya ni SA, at sinabing sa kaunting halaga ay ibinilanggo ng mga ito ang babae sa isang marriage na hindi nito ginusto.

Read: Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga

Aminado si Wisto na ang nangyari ay isang malaking kahihiyan para sa kanya.

Masama ang loob niya kay Isra.

Nagsumbong na rin sila sa pulisya, pero wala pang ginagawang legal na hakbang.

Umapela rin siya sa publiko na kung makikita ang nawawalang groom ay ipagbigay-alam sa kanya.

Samantala, sa ulat ng mustsharenews.com noong September 5, idineklara ng official authorities ng Indonesia na hindi legal ang pagpapakasal ni SA sa ama ng kanyang boyfriend batay sa Islamic law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang naganap na kasal ay hindi umano tumutugon sa ilang mga kondisyon ng pagpapakasal sa ilalim ng relihiyong Islam.

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi dumating ang groom at malaki ang nagastos ng magkabilang partido sa kasal, ang solusyon: pinalitan ng father-in-law ang anak at pinakasalan ang bride-to-be.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results