"My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"

Isang “creepy phenomenon” sa Pilipinas.
by KC Cordero
Sep 8, 2023
A singer singing My Way
Madalas na pinagmumulan ng gulo na nagreresulta sa patayan sa Pilipinas ang pagkanta ng "My Way" sa mga karaoke bars o mga okasyon.

Mahilig tayong mga Pilipino sa karaoke.

At kapag hawak natin ang microphone, laging may paboritong kanta na hindi maaaring hindi ibirit—nasa tono man tayo o sintunado.

Iyon nga lang, may mga insidente sa karaoke bars kung saan ang sintunadong cover ng song ay nauuwi sa away, at minsan ay nagiging sanhi rin ng kamatayan.

Alam ba niyo bang aware ang buong mundo na may ganitong effect ang "My Way" kapag kinakanta sa karaoke dito sa Pilipinas?

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Photo of Frank Sinatra

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang story sa likod ng beauty influencer na napapabata ng 20 years ang sarili sa Tiktok videos

Nitong September 7, 2023, ibinahagi ng LAD Bible, isang British digital publishing company, na ang ang biggest hit of all time ni Frank Sinatra ang “world's deadliest karaoke song.”

Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

MADALAS PAGMULAN NG KARAHASAN SA PILIPINAS

Responsable ang naturang kanta sa pagkamatay ng 12 nating kababayan simula noong 1998. Ito ay base lamang sa mga pangyayaring naisapubliko o nai-report sa balita.

Ang "My Way," na ini-release noong March 1969, ay nagsimula ng isang violent phenomenon sa Pilipinas.

Kakatwa, pero sa nakalipas na ilang dekada ay naging ugat ito ng maraming insidente ng karahasan.

Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian

Composite photo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo

Isa sa mga pinag-usapang insidente ay nangyari noong 2007 nang ang 29-year-old na si Romy Baligula ay barilin ng 43-year-old security guard na si Robilito Ortega sa isang bar sa San Mateo, Rizal.

Nangangalahati pa lang sa pagkanta si Romy nang sabihan siya ng guwardiya na itigil ang pagkanta ng "My Way" dahil sintunado siya.

Hindi nagpatinag si Romy at itinuloy ang pagkanta.

Dito na naglabas ng baril ang guwardiya at pinaputukan siya sa dibdib.

Ayon sa ulat ng pulisya, agad namatay si Romy sa tama ng bala.

Read: Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga

Noong 2018, isang 60 anyos na lalaki sa Mindanao ang kinanta ang "My Way" sa isang birthday party.

Pinatitigil siya ng isa pang lalaki, pero hindi siya nagpapigil.

Nauwi iyon sa pagsusuntukan ng dalawa.

Sa kasamaang palad, nasaksak sa dibdib ang lalaking kumanta ng "My Way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisugod ang biktima sa Zamboanga del Norte Medical Center, pero binawian din ng buhay.

Bukod sa dalawang nabanggit na insidente, may iba pang away na naganap na ang puno’t dulo ay ang sikat na kanta ni Frank Sinatra.

Ang ibang biktima ay hindi naman sintunado.

Ang mga insidenteng ito ang naging dahilan kaya inalis na ng ilang may-ari ng bar ang "My Way" sa kanilang karaoke machines.

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

DAHIL NGA BA SA LYRICS NG “MY WAY”

Pero paano nangyari na ang pagkanta ng "My Way" ay pinagmumulan ng away?

May paliwanag ang podcaster na si MrBallen, na tumatalakay sa mga pangyayaring strange, dark, and mysterious.

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

Aniya, "No one really understands why this song somehow elicits all this violence in people in karaoke bars in the Philippines, but it does.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Some have said that the message of the song—which is about a man being a man and doing it his way kind of brings out a lot of masculine energy among people that are listening to it, and it can apparently prompt people to just suddenly start acting violent."

Isa lang marahil ito sa mga dahilan.

Photo of Frank Sinatra

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

Sa artikulong inilathala ng esquiremag.ph noong October 17, 2019, binanggit na ang lyrics ng "My Way" ay naglalantad ng katauhan ni Frank Sinatra na unapologetic at may pagka-arogante.

Ibinunyag din ng anak ng singer na si Tina na hindi gusto ng ama ang naturang kanta dahil self-serving and self-indulgent daw ito.

Ayon kay Tina, "He didn’t like it. That song stuck and he couldn’t get it off his shoe.”

Ang "My Way" ay komposisyon ni Paul Anka.

Ang mensahe ng awitin ay ang pagkakaroon ng buhay na walang pagsisisi o regrets—ngunit may pahiwatig din ng katapusan at kamatayan.

Ayon sa artikulo, anuman ang kahulugan ng lyrics nito ay mas mabuti na huwag na lang kantahin ito sa publiko—lalo na kung ang kakanta ay sintunado.

Iniulat naman ng website na Real World Anomalies Wiki na bukod sa Pilipinas, may insidente rin ng krimen sa China na ang "My Way" din ang naging dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Madalas na pinagmumulan ng gulo na nagreresulta sa patayan sa Pilipinas ang pagkanta ng "My Way" sa mga karaoke bars o mga okasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results