"Malnourished” at bansot na alligator?
Ganito ang kondisyon ng kalusugan ng alligator na nakita ng landscaper sa creek na matatagpuan sa Exeter, Pennsylvania, USA.
Ang insidente ay iniulat ng Fox News Digital noong August 8, 2023.
Ayon kay Matthew Pachuilo, multimedia specialist ng Animal Rescue League of Berks County (ARL), sa pulisya unang ini-report ng landscaper ang nakita nitong alligator.
Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"
Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law
Nagpadala naman ang ARL ng team para kuhanin ang hayop—na natuklasang isang female—at pansamantalang tinawag na “Fluffy.”
Magkapamilya ang alligator at buwaya, pero magkaiba ng katangian.
V-shaped ang bibig ng buwaya, samantalang U-shaped ang sa alligator.
Sa saltwater naninirahan ang buwaya, ang alligator ay sa mga freshwater.
Parehong mapanganib, mas agresibo ang buwaya kumpara sa alligator.
Read: Ang story sa likod ng beauty influencer na napapabata ng 20 years ang sarili sa Tiktok videos
“INCREDIBLY MALNOURISHED" ANG ALLIGATOR
Habang nasa pangangalaga ng ARL ang na-rescue na alligator, ipinatawag si Rudy Arceo, ang CEO at founder ng Venom Institute na nasa Keystone Herpetology Institute sa Ranshaw, Pennsylvania.
Isang reptile expert on call si Rudy kaya inalam niya ang kondisyon ni Fluffy.
Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis
Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian
Pagpasok umano niya sa kuwarto kung saan dinala si Fluffy, “I was in complete shock.
"In all the years I've been doing this, I've not seen an alligator this bad before.
“Probably the worst I've ever seen.”
Masama aniya ang kondisyon ng kalusugan ng alligator.
Pagsasalarawan niya kay Fluffy, ito ay “incredibly malnourished," at walang bahagi ng katawan nito ang nasa maayos na kondisyon.
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo
ISANG PET SI FLUFFY
Natukoy naman ng ARL na isa palang pet si Fluffy, at natunton din ang may-ari nito.
Nakatakas ito nang magkaroon ng pagbaha sa Exeter area ilang linggo na ang nakakaraan.
Inabot ng tubig ang enclosure nito na nasa labas ng bahay at nasa ibabaw ng preformed pond.
Napag-alamang 10 years na ito sa pangangalaga ng may-ari.
Natuklasan naman ni Rudy na inalagaan ang alligator sa isang 75-gallon aquarium.
Dagdag pa niya, “And the guy had it since it was a hatchling."
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo
NABANSOT SI FLUFFY
Bilang isang reptile expert, sinabi ni Rudy na sa edad ni Fluffy, dapat ang sukat nito ay nasa pagitan ng eight hanggang ten feet.
Pero dahil kulang sa space ang aquarium para kay Fluffy, sa kabila ng edad nito, humaba lang ito ng 30 inches o higit sa two feet.
Sinabi umano ng owner, akala nito ay sadyang lumalaki lang ang mga gaya ni Fluffy depende sa sukat ng enclosures.
Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert
Pero paliwanag ni Rudy, isa iyon sa “biggest misconceptions” na kanyang narinig.
Aniya, bukod sa pagiging malnourished ay nabansot din si Fluffy, "and it causes a lot of serious health issues."
Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs
MGA TAO HINDI DAPAT MAG-ALAGA NG ALLIGATOR
Hiniling ni Rudy na dalhin muna ang alligator sa vet.
Pinayuhan din niya ang may-ari na palitan ang enclosure ni Fluffy.
Dapat din aniyang subuan muna kapag kumakain ang alligator para mapakain ito nang maayos.
Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers
Bagaman at hindi na kampante si Rudy na ibalik pa si Fluffy sa may-ari, regular na itong oobserbahan ng mga awtoridad para matiyak na maayos itong maaalagaan.
Kasalukuyang legal sa Pennsylvania ang pag-aalaga ng alligator, pero ayon kay Rudy, sana ay ipagbawal na.
Kailangan daw kasi ng indoor and eventual outdoor space para maayos na maalagaan ang mga alligators dahil patuloy ang paglaki nila habang nagkakaedad.
At kung hindi na aniya kayang alagaan ng isang owner ang pet na alligator, dalhin na agad ito animal rescue center para hindi na maulit ang sinapit ni Fluffy.
Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn