“Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

Kahit anong klaseng poo-poo, effortless ang pagpapa-flush.
by KC Cordero
Sep 14, 2023
Photo of ultra-slippery toilet bowl
Sa pamamagitan ng ultra-slippery toilet bowl, mababawasan kada araw ang nakukunsumong 37 billion gallons of water na ginagamit sa pagpa-flush ng dumi ng tao sa buong mundo.

Isang ultra-slippery toilet bowl ang nalikha ng mga scientists sa Huazhong University of Science and Technology sa Wuhan, China.

Ayon sa ulat ng technology-influenced website na Boy Genius Report o BGR noong September 9, 2023, sa sobrang dulas ng toilet bowl ay walang kahit ano na didikit dito.

Agad ding dadausdos ang dumi ng tao kahit hindi pa binuhusan ng tubig.

Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"

Photo of ultra-slippery toilet bowl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

Ang bagong disenyo ng toilet bowl ay posibleng pumalit sa ginagamit natin ngayon na porcelain and ceramic toilet bowls kung tuluyang i-ma-mass produce ito.

Sa video na ibinahagi ng New Scientist YouTube channel, ipinakita na hinuhulugan ng iba’t ibang specimen ang ultra-slippery toilet bowl—mula yogurt, synthetic na dumi ng tao, mga sauce ng pagkain, at iba pa.

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

Photo of ultra-slippery toilet bowl

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

Makikitang kusang dumudulas ang mga ito kahit hindi binubuhusan ng tubig.

Ang nakaiintriga, natuklasan ng mga researchers na kahit ilang beses kaskasin ng liha o sandpaper ang toilet bowl, nananatili itong madulas.

Pinakamalaking bentahe ng ultra-slipper toilet bowl, bukod sa nananatili itong malinis, mababawasan ang konsumo ng tubig.

Hindi rin kailangan ang palagiang pagpa-flush kahit pa may makulit na “nuggets” na ayaw agad lumubog.

Ang bagong toilet bowl ay tinawag ng mga researchers na abrasion-resistant super-slippery flush toilet (ARSFT).

Gawa ito sa mga materials na madaling mag-repel ng complex fluids, maging viscoelastic solids at buhangin, kapag hinaluan ng lubricants.

Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena

Ma-a-absorb ng ibang materials ang lubricant na siyang magpapadulas sa toilet bowl.

Ang viscoelasticy ay ang katangian ng mga materials na nagpapakita ng pagiging makapal, malagkit, at nababatak ito kapag sumasailalim sa deformation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga halimbawa nito at synthetic polymers, kahoy, human tissue, at maging ang metal kapag na-expose sa sobrang taas na temperature.

Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Gayunpaman, binanggit ng mga researchers sa kanilang ulat na nailathala sa Advanced Engineering Materials na ang materials na ginamit sa pagbuo ng bagong toilet bowl ay madaling masira sa pamamagitan ng mechanical abrasions.

Ibig sabihin, hindi puwedeng puwersahan na nakakaskas ang surface. At hindi rin ito puwedeng magasgas o maging bungi.

Ang ginamit naman na materials sa ultra-slippery toilet bowl ay matibay kontra sa sandpaper, at nananatili itong madulas kahit anong kuskos.

Photo of ultra-slippery toilet bowl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

Ayon sa mga researchers, ang bagong invention ay isang huge accomplishment.

Itinuturing na malaking bagay sa dignidad ng isang tao kung ang kanyang tahanan ay may malinis na palikuran—mahirap man siya o mayaman.

At kaya itong ma-accomplish sa pamamagitan ng ultra-slippery toilet bowl.

Inaasahang sakaling payagan ang mass production ng ultra-slippery toilet bowl, posibleng una itong gagamitin sa mga eroplano, mga sasakyang pandagat, at mga bus na malalayo ang ruta.

Inaasahan ding mai-improve ang kalinisan ng mga pampublikong palikuran.

At sa pamamagitan nito, mababawasan ang nakukunsumo araw-araw na 37 billion gallons of water na ginagamit sa pagpa-flush lang ng dumi ng tao sa buong mundo.

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng ultra-slippery toilet bowl, mababawasan kada araw ang nakukunsumong 37 billion gallons of water na ginagamit sa pagpa-flush ng dumi ng tao sa buong mundo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results