Malaking suwerte pala ang naghihintay sa isang lalaki nang bilhin niya ang isang mumurahin at lumang painting sa palengke.
Hindi kasi niya inaasahang may importanteng kayamanan na nakaipit sa frame ng lumang painting.
Babaguhin pala nito ang kanyang buhay.
Ang lalaki, isang financial analyst mula sa Philadelphia, U.S.A., ay nagpunta sa isang flea market sa Adamstown, Pennsylvania, noong 1989.
Natipuhan niya ang isang item: naka-frame na lumang painting ng bukid.
Napangitan siya sa nasisirang painting. Ang habol talaga niya ay yung frame.
Ang plano niya ay tanggalin ang lumang painting sa frame at lagyan ng mas magandang larawan.
Binili niya ang painting sa halagang $4 (PHP226).
Lingid sa kanyang kaalaman, may mahalagang dokumento pala sa likod ng painting na milyun-milyong piso ang halaga.
Read: Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo
AN IMPORTANT DOCUMENT STUCK BEHIND THE PAINTING
Nang makauwi, tinanggal niya ang lumang obra para lagyan ng bagong larawan ang frame.
Pero may nakita siyang nakatiklop na papel sa likod ng frame.
Nang buksan niya ang papel, namangha siya sa kanyang nakita.
Kopya ito ng Declaration of Independence na may petsang July 4, 1776.
Isang mahalagang dokumento ang Declaration of Independence sa U.S.
Ito kasi ay proklamasyon ng second American Continental Congress noong July 4, 1776, para igiit ang kalayaan ng 13 Colonies mula sa Great Britain.
Ang papel na nakita ay isa sa pinakaunang kopya ng Declaration of Independence.
Read: Lumang maleta binili sa antique shop for PHP5K, designer item pala; PHP1M ang halaga
Ayon sa report ng The New York Times, mayroon lamang 24 copies ng Declaration of Independence, at karamihan dito ay nakatago sa mga museums.
Samantala, itinago muna ng lalaki ang nakita niyang kopya.
Taong 1991, ipinakita niya ito sa kanyang kaibigan, na hinikayat siyang ipatingin ang dokumento sa isang eksperto.
Lumapit ang lalaki sa Sotheby’s, isang kilalang auction house sa U.S.
Dito nakumpirma na mahalagang item nga ang nasa kamay ng lalaki.
Ayon sa Sotheby’s, nakapagbenta sila ng isang kopya ng Declaration of Independence sa halagang $1.6 million noong 1990.
Pero mas tumataas ang value ng dokumentong hawak ng lalaki na nakitang nakaipit sa painting na nabili sa flea market.
Noong June 1991, naibenta ng lalaki ang dokumento sa halagang $2.4 million o PHP134 million.
Naiulat ang balitang ito sa major broadsheets at media outlets sa U.S. at iba pang bansa.