Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

Dalawang lola, jackpot winners sa magkahiwalay na lotto draws.
by KC Cordero
5 days ago
The two new millionaires
Parehong dekada nang tumataya sa lotto ang dalawang bagong jackpot winners. Mahilig ang isa sa random na pagpili ng mga tatayaan, samantalang ang isa ay 20 years nang inaalagaan ang napanaginipang kumbinasyon. Nanalo siya sa dalawang magkaibang lotto draws. (Photos courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office.)

Dalawang senior citizens na babae ang nagwagi ng jackpot sa lotto sa magkaibang draw.

Ang bulletin tungkol sa dalawang bagong milyonarya ay naka-post sa official website ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang una ay isang 78-year-old bettor mula sa Balagtas, Bulacan.

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

The winner from Bulacan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

Naiuwi niya ang Super Lotto 6/49 jackpot prize na PHP93,693,905.40.

Ang kanyang winning combination na 42 – 12 – 25 – 05 – 19 – 18 ay masuwerteng lumabas para sa July 27, 2023 draw.

Kinolekta na ng lucky winner ang kanyang panalo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City noong August 2.

Kuwento ng lolang Bulakenya, random lang ang ginawa niyang pagpili sa mga numero sa kumbinasyon.

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

The winner from Bulacan's ticket

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

Ganito aniya ang estilo niya ng pagtaya sa loob ng 10 taon.

Dahil sa kanyang biglang pagyaman, sinabi ng lotto winner ma gusto niyang mag-invest sa negosyo para sa kanyang mga anak.

Ang isa namang lucky winner ay 60-year-old na residente ng Quezon City.

Natumbok niya ang jackpot prize para sa Lotto 6/42 August 5 draw na nagkakahalaga ng PHP22,896,342.80.

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

Tinayaan niya ang winning combination na 34 - 35 - 24 - 20 - 36 - 39 sa isang lotto outlet sa Murphy, Barangay Socorro, Quezon City.

Aniya, ang mga pinili niyang numero ay napanaginipan niya twenty years ago.

Mula noon, hindi niya binitiwan ang pagtaya sa kumbinasyon sa pag-asang darating din ang time na tatama siya ng jackpot.

Nagbunga na ang kanyang paghihintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

The winner from Quezon City

Read: "My Way" itinuring na "world's deadliest karaoke song"

August 7 ay kinolekta na niya sa PCSO Main Office ang kanyang premyo.

Ikinuwento rin niyang limang beses na niyang nakuha ang five winning digits gamit ang kanyang alagang kumbinasyon—kaya talagang masuwerte aniya ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Negosyo rin ang paglalaanan niya ng kanyang napanalunan, at plano niyang mag-share sa kanyang mga kapamilya.

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

The winner from Quezon City's ticket

Read: Ang story sa likod ng beauty influencer na napapabata ng 20 years ang sarili sa Tiktok videos

Handa rin siyang tumulong sa kanyang community, lalo na sa mga kapus-palad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong dekada nang tumataya sa lotto ang dalawang bagong jackpot winners. Mahilig ang isa sa random na pagpili ng mga tatayaan, samantalang ang isa ay 20 years nang inaalagaan ang napanaginipang kumbinasyon. Nanalo siya sa dalawang magkaibang lotto draws. (Photos courtesy of Philippine Charity Sweepstakes Office.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results