Kung may contest na "last man standing," mayroon ding "last man lying."
May tradisyon sa Montenegro, isang bansa sa Southeast Europe, kung saan idinaraos ang search for “laziest citizen.”
Ang mga kalahok ay walang gagawin kundi ang mahiga sa loob ng halos 24 oras araw-araw.
Kung sino ang makapagtala ng pinakamahabang oras na nakahiga, ito ang mananalo.
Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto
Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan
Isinasagawa ang kakatwang kumpetisyon sa isang resort village sa Brezna, na nasa northern part ng Montenegro.
Sinimulan ang paligsahan noong August 18, 2023.
Habang sinusulat ang artikulong ito, pito na lang ang nalalabi sa 21 competitors.
Ang grand prize ay nagkakahalaga ng US$1,070—o PHP60,685.05.
Batay sa competition rules, ang mga kalahok ay maaaring matulog, kumain, uminom, magbasa ng libro, at gumamit ng kanilang smartphones—nang nakahiga.
Ang sinumang mauupo o tatayo ay automatically eliminated.
Pinapayagan naman ang mga kalahok na magkaroon ng 10-minute bathroom break kada walong oras.
Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man
Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords
Noong 2022, ang lying down record ay tumagal ng 117 oras.
Ngayong taon, nakapagtala na ng 463 oras kahit wala pang itinatanghal na winner dahil nagpapatuloy pa ang kumpetisyon.
Ibinahagi naman ni Miss Radonja Blagojevic, isa sa mga organizer, na inilunsad nila ang kumpetisyon 12 taon na ang nakalilipas para gawing katatawanan ang popular myth na nagsasabing tamad ang mga mamamayan ng Montenegro.
Ani Radonja, ''We organized this lying-down competition as a parody, playing on the stereotype that Montenegrins are lazy, to see who can endure it the longest.”
Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan
Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?
By tradition, dapat ay sa ilalim ng puno ng maple isasagawa ang kumpetisyon.
Inilipat ito ngayong taon sa isang wooden shack dahil sa masamang panahon.
At habang ongoing ang competition, masusing sinusubaybayan ng medical team ng organizers ang kalusugan ng mga kalahok.
Ayon sa 2021 champion na si Dubravka Aksic, na kalahok din ngayon taon, maayos ang kondisyon ng mga nalalabing contestants.
“There are no health problems, they are pampering us, all we have to do is to remain lying down.”