Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order

Sino ang nag-order?
by KC Cordero
3 days ago
Photo of the wife and the condoms
Nagtaka ang misis kung bakit may dumating na delivery na isang box. Ang laman: mga condoms. Pero giit niya, hindi siya nag-order.

Nakatanggap ang isang babaeng taga-Chapleau, Ontario, Canada ng isang box na naglalaman ng 1,020 condoms.

Ang siste, hindi siya ang nag-order.

Sinisingil din siya para sa mga naturang condom kasama ang delivery charge ng halos US$500—o PHP28,424.25.

Sa panayam ng CTV News, sinabi ni Joelle Angleheart na nakatanggap muna siya ng email mula sa Amazon tungkol sa paparating na delivery.

Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

The woman and the condoms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Inakala lang niyang fake email iyon dahil hindi naman siya—gayundin ang kanyang mister—nag-order ng condom.

Pagtitiyak pa ni Joelle, ang condom ang isang bagay na hindi nila bibilhing mag-asawa.

Dumating aniya ang box habang nasa hospital ang kanyang mister na kasalukuyang nagpapagaling mula sa pagkakasakit.

Ang laman ng malaking box ay 30 maliliit na kahon na bawat isa ay naglalaman ng 34 condoms.

Lalo namang nagulumihanan si Joelle nang matuklasang nakaltas mula sa kanyang card ang US$495, o PHP28140.01, para sa condoms.

Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

Photo of the wife and the condoms

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

Ayon sa mga cyber experts, ang fake delivery kay Joelle ay kahalintulad ng tinatawag na “brushing scam.”

Sangkot dito ang mga Amazon sellers na nagpapadala ng packages sa random addresses para mapalaki nila, artificially, ang kanilang number of positive reviews.

Si Cindy Smith ng Prince William County, Vancouver, ay nakatanggap ng mahigit 100 Amazon packages na hindi rin nito in-order.

Nagsagawa ang Amazon ng imbestigasyon, at natuklasang nag-ship ang vendor ng mga packages sa iba’t ibang addresses para maalis ang unsold merchandise mula sa Amazon fulfillment centers.

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

Photo of Amazon's stockroom

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

Sinabi naman ni Claudiu Popa, CEO ng Datarisk Canada, ang sitwasyon ni Joelle ay posibleng resulta ng pagkaka-hack sa kanyang account.

Paliwanag ni Popa, na-hack ang account ni Joelle kaya na-charge sa credit card niya sa mga condoms.

Ang tanong: Na-refund ba niya ang US$495?

Noong una raw ay tumanggi ang Amazon na ibalik ang pera niya.

Ang katwiran ng multinational e-commerce compant, ang condom ay kasama sa mga unreturnable items.

Isang kinatawan naman ng Amazon ang nagsabing naibalik na ang pera ni Joelle, habang patuloy ang kumpanya sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtaka ang misis kung bakit may dumating na delivery na isang box. Ang laman: mga condoms. Pero giit niya, hindi siya nag-order.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results