Ano ang gagawin mo kung kasama ka sa isang eroplanong na-hijack?
Siguradong abot hanggang langit ang iyong takot.
After a while, gagawa ka ng way para ma-neutralize ang sitwasyon.
Maasikaso mo pa kayang makipag-selfie sa hijacker?
Ganito ang naging eksena sa na-hijack na EgyptAir Flight MS181 mula sa Alexandria patungong Cairo noong 2016.
Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto
Ang hijacker na nakilala ng mga officials bilang si Seif Eldin Mustafa ay may suot na suicide belt na puno ng bomba.
Inutusan nito ang mga piloto na ilapag ang eroplano sa Larnaca Airport sa Cyprus.
Pagdating doon, pinababa ang 52 pasahero, at may naiwan na apat pang foreigners.
Kasama ang flight crew, naiwan sa eroplano ang mga hostages.
Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan
Isa naman sa mga pasaherong naiwan ang British national na si Ben Innes.
Sa hindi malamang dahilan, nagdesisyon si Ben na makipag-selfie sa hijacker na si Mustafa, na nakaupo kasama ang flight crew.
Makikita sa video na may stewardess na nakipag-usap kay Mustafa, na tumingin naman sa direksiyon ng passenger compartment.
Matapos ang sandaling pag-uusap, kinawayan ng stewardess si Ben.
Tumayo naman si Mustafa at game na nagpakuha ng litrato kasama si Ben.
Happy si Ben sa naging resulta ng picture-taking, at nagbalik ito sa kanyang puwesto.
Naupo ring muli ang hijacker.
Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?
Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law
Ayon kay Ben, naisip niyang mag-request ng selfie sa hijacker dahil inakala niyang katapusan na niya noong araw na iyon.
Sabi umano niya sa sarili, “Why not?”
Dugtong niya, "I just threw caution to the wind while trying to stay cheerful in the face of adversity. I figured if his bomb was real, I’d nothing to lose anyway, so took a chance to get a closer look at it.
“I got one of the cabin crew to translate for me and asked him if I could do a selfie with him. He just shrugged okay, so I stood by him and smiled for the camera while a stewardess did the snap.
“It has to be the best selfie ever."
Pagtatapat pa ni Ben, naniniwala siyang kung magkakaroon sila ni Mustafa ng face-to-face moment, baka magbago ang isip nito, lalo pa't hindi na siya isang faceless victim.
Makalipas naman ang limang oras ay sumuko si Mustafa sa mga awtoridad.
Read: Identical twins, iisa ang boyfriend; wish nila na sabay magbuntis
Read: Happily married! Wife is 60-year-old American, husband is 30-year-old Tanzanian
Natuklasan din na ang ginawa nito ay hindi act of terrorism.
And here’s the twist—nang-hijack si Mustafa ng eroplano at pinalapag sa Cyprus dahil doon nakatira ang ex-wife nito.
Nami-miss na niya ang ex-wife,, at gustung-gusto na niyang makitang muli.
Natuklasan din na ang suot niyang belt na puno ng explosives ay fake lang pala.
Nakasuhan at nakulong si Mustafa sa Cyprus, at na-extradite pabalik sa Egypt kung saan hinatulan siya ng habambuhay na pagkakabilanggo.
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo