Jolina and Bebong romance, not just for politics

by Wells Avante
Jan 9, 2007
Jolina Magdangal is all-out in her support of the political plans of boyfriend Bebong Muñoz.

Sa tuwing mayroong tambalang pulitiko at artista, gamitan lang ang tingin ng nakararami. Maging ang anim na taong relasyon nina Jolina Magdangal at Bebong Muñoz ay hindi rin nakaligtas sa mga intriga.

Pagkalipas kasi ng ilang taong pamamalagi at pagtatrabaho sa Amerika ay umuwi ng Pilipinas ang abogadong si Bebong. Sa nalalapit na halalan nitong Mayo 2007 ay tatakbong congressman sa Caloocan ang boyfriend ni Jolina.

Sa panayam nina Jolina at Bebong sa S-Files noong Linggo, January 7, pinasinungalingan nilang naggagamitan sila.

"Nagulat lang ako dun," natatawang sabi ni Bebong.

Ayon naman kay Jolina, "Matagal na ako sa showbiz. Hindi na ako nagulat dun... lalo na si Bebong. Tatakbo nga siyang congressman sa Caloocan, ‘tapos ako nasa showbiz.

"Kasi sa amin ni Bebong, alam naming dadating yan e. Sa amin, mula nung naging kami, ang laging sinasabi namin, teamwork. Ngayon pa lang siya tatakbo."

Dagdag pa ng young actress, "Tsaka binuo namin yung relationship namin na maging strong, bago 'tong mundo ng politics. So, pag nakikita ko siyang nai-stress, natsa-challenge akong tumulong. Mas gusto kong mag-alaga."

Continue reading below ↓

At buong lambing niyang sinabi sa kasintahang katabi sa upuan, "Andito lang ako para sa iyo."

Tila handa na rin si Bebong sa anumang intrigang ipupukol sa kanya. Hindi kasi mapapasubalian na si Jolina ay nananatili pa ring isa sa pinakasikat na artista sa Pilipinas, sa kabila ng pagsulpot ng napakaraming baguhan. Sa tingin ng marami ay malaking tulong sa kampanya ni Bebong ang kasintahan kung saka-sakali.

"Nung una akala ni Jolina, maapektuhan ako, pero ina-anticipate ko na e. Alam ko naman na ganun ang nangyayari pag yung situation, may isang gustong maging politician at may isang artista. So, okay lang," mahinahong sabi ng abugado.

Habang kausap ang S-Files interviewer na si Richard Gomez, na papasok rin sa pulitika ngayong eleksyon, sinabi ni Bebong, "Coming into the campaign, alam ko na malaking asset si Jolina. Ang lakas nyong [mga artista] endorsers talaga. Hindi natin made-deny yun. We're glad that we're on the same side."

Continue reading below ↓

Samantala, hindi na rin naiwasang maitanong ni Richard Gomez ang plano nilang pagpapakasal. Pati ito ay naging tampulan ng sabi-sabi ngayo't tatakbo sa eleksyon si Bebong.

Paliwanag ni Jolina, "Hindi naman kami yung namimilit na ilabas yung nagpa-plano kami. Yung mga nasa paligid namin ang nagtatanong palagi. Nagkukwento lang kami kung ano yung mga plano namin."

Ayon naman kay Bebong, "Kulang na lang namin date e. Naghihintay kami ng mga signs."

Paglilinaw ng future husband ni Jolina, "Yung dahilan kung bakit umuwi ako sa Pilipinas, kasi na-realize ko na mas importante yung personal relationship kesa sa career. Yung career ko, tinalikuran ko na lang para sa personal relationship. Kasi valuable yung family ko. Ganun din dito, pag pumasok sa politics, it will take a back seat to family."

Hindi na actually bago sa paningin ng mga Pinoy ang pagsasanib-puwersa ng showbiz at pulitika. Nariyan sina Vilma Santos at Ralph Recto at sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Sina Jolina at Bebong na kaya ang susunod sa kanilang mga yapak?
Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal is all-out in her support of the political plans of boyfriend Bebong Muñoz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results