Chynna Ortaleza busy with her online accessories business

by Rose Garcia
Jan 10, 2007
Chynna Ortaleza manages her own online accessories business


Buong holiday season at hanggang ngayon, napag-alaman ng Philippine Entertainment Portal (PEP) mula mismo kay Chynna Ortaleza kung ano ang umookupa ng oras niya ngayon bukod sa kanyang showbiz career.



"Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng small business. Ngayon, unti-unti na itong nagkakaroon ng katuparan," simulang pahayag ni Chynna.



"I'm into online business with my accessories na mismong ako at ang mama ko ang nagde-design at gumagawa. All are handmade talaga," may kagalakan niyang sabi. Chynna's mom is Leah Ortaleza.



Noon pa man, aminado na si Chynna na accessories talaga ang isang weakness niya. Aminado rin siya na a portion of her earnings goes to her accessories collection, na siyang ginagamit din niya sa kanyang mga showbiz appearances.



"Nakakatuwa kasi sobrang hilig ko talaga ang mga accessories, tapos nagagawa ko pa ngayon, kahit paano, na pagkakitaan yung hilig ko. Pero hindi ito madali kasi talagang pinagpupuyatan at pinaghihirapan namin ang bawat isang accessories na nagagawa namin," kuwento ng young actress.

Continue reading below ↓



"Nakakatuwa rin kasi yung mama ko, instead na nasa bahay lang siya, ngayon may pinagkakaabalahan na siya at may business pa siya. Ako naman, basta wala akong trabaho, ako talaga ang nagde-design at gumagawa," dagdag pa niya.



Nagsimula raw siyang magka-ideya na gumawa ng sariling mga accessories at magbenta nito nang minsang may ma-meet siya na nasa online business din ng mga accessories.



Ani Chynna, "Siya yung nagsabi sa akin at nagbigay ng idea na bakit nga raw hindi ko i-try na mag-online. Tapos, si Nicole [Anderson], siya naman ang nagsabi sa akin na mag-open nga raw ako ng Multiply [online network]."

Habol pa niya, "Pupuwedeng makita yung mga sample ng accessories na ginagawa ko sa http://stellar01.multiply.com" At puwede rin daw umorder sa kanya through that online address.



Marami nga raw ang nagkakagusto sa mga ginagawa niya lalo pa't may pagka-unique ang mga designs nito. Ayon kay Chynna, simula nang mag-business siya ay hindi pa raw nila nagagawang magkaroon ng reproduction ng parehong design.

Continue reading below ↓



Ang mga kasamahan at kaibigan niya rin daw sa set ng Atlantika ang unang nakakita ng mga works niya. Sila rin ang nagbigay kay Chynna ng idea na magbenta siya. Ilan sa kanila ay sina Iza Calzado, Isabel Oli, Direk Mark Reyes, Paolo Contis, at iba pa na pawang mga nagsibili na raw sa kanya at yung iba'y ipinang-regalo pa ng mga ito sa kani-kanilang kaibigan noong Kapaskuhan.



Ayon kay Chynna, hindi niya raw maatim na magpatong ng sobra-sobra kaya masasabing affordable talaga ang mga accessories na naibebenta niya. So far, pinakamahal daw siguro niyang naibebenta ay nasa presyo pa lang na P1,500 at pinakamura naman ay mabibili sa halagang P100.



Marami na rin daw sa kanyang mga showbiz friends ang nag-e-encourage sa kanya na mag-put up na ng sariling shop sa isang kilalang mall sa bansa. Pero ayon kay Chynna, mas gusto niya raw muna na unti-untiin ito. This year, ang plano niya ay magkaroon ng consignment sa kahit anong mall sa bansa.

Continue reading below ↓



Samantala, at 23, mukhang lalo pa yatang nagiging mature ang outlook ni Chynna. Liban sa pag-aasikaso ng sarili nitong business, patuloy pa rin ang pag-aaral niya sa U.P. Open University. At siyempre pa, nariyan ang kanyang showbiz career, na anytime this month ay sisimulan daw niyang i-shoot ang isang movie under an independent film company.



Bukod pa rito, she's still happy sa kanyang almost three-year relationship with boyfriend Railey Valeroso.

Regular na mapapanood si Chynna sa Atlantika at SOP ng GMA-7.

Read Next
Read More Stories About
Chynna Ortaleza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chynna Ortaleza manages her own online accessories business
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results