Piolo Pascual to "settle down" two years from now

by Alex Datu
Jan 15, 2007
"Maybe in two years, I wanna settle down already," says Piolo Pascual about his future plans


Nagdiwang ng kanyang 30th birthday ang heartthrob na si Piolo Pascual last January 12—his actual birthday—sa Dish, ELJ Bldg., ABS-CBN Compound. Isinabay na rin sa birthday ni Piolo ang fifth anniversary ng fans club ng aktor, ang Solid Friends of Piolo Pascual, na pinamumunuan ng presidente nito na si Weng Villalobos.

"Actually, it's overwhelming. A lot of people joined me, especially my parents who came all the way from the States. Nakakatuwa ngayon dahil there are people from all parts of the world who came to join me, like from Canada and Europe. Itinaon talaga nila ang kanilang bakasyon sa birthday ko at 'yong iba naman, itinaon sa aking anniversary," masayang pahayag ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makorner namin siya.



"Nakaka-touch kasi hindi lang hanggang TV ang support nila, kundi hanggang dito sa atin ang suporta nila. Makikita mo talaga ang suporta nila through the years and they have become a part of my family. These are the people that I've been with so many years already," dagdag niya.

Continue reading below ↓

Malaki ang pasasalamat ni Piolo sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya magpahanggang ngayon.



"I just want to thank everyone na nagsu-support sa akin. At the same time, 'yong mga taong walang sawang nanonood sa akin, walang sawang sumusubaybay sa lahat ng mga ginagawa ko. I also thank the Lord because he brought me these people na nagbu-boost ng aking morale," sabi ni Piolo.



"Sila din 'yong naghihintay ng mga bagong gagawin ko, and they are out there not only to support me. Some of them, they are there to die for me. Ito ang kanilang gagawin to support me at ipagtanggol ako. Sana naman po, dumami pa ang taon na pagsasama natin," aniya pa.

Sa pagsapit ng kanyang 30th birthday, wala na raw mahihiling pang iba si Piolo sa Maykapal dahil halos lahat na raw ay nasa kanya na—maliban sa babaeng kanyang pakakasalan.

"Hindi naman ako 'yong tipong taong mahilig humiling. Ako 'yong tipo ng taong gagawin ko lang kung ano ang maganda, gagawin ko 'yong ibinibigay sa akin," ani Piolo.

Continue reading below ↓

"Ang wish ko lang for this year ay mabuhay ang industriya natin para marami pang mabigyan ng trabaho. Sana lang ang pelikulang Pilipino ay suportahan natin para maraming magawang pelikula," asam pa ng aktor.


May pagbabago ba kay Piolo ngayong 30 years old na siya?

"Wala pa namang pagbabago. Medyo nag-mellow lang ako nang konti, nag-slow down sa mga trabaho. Hindi naman puwedeng araw-araw magtatrabaho. So I give more time to my family and myself now," sagot niya.



Kasama ba sa plano niya ang pag-aasawa?



"Eventually, of course! Di naman tayo bumabata. Maybe in two years, I wanna settle down already."



Kumusta naman ang panliligaw niya kay Rica Peralejo na parang wala nang ingay ngayon?



"Uhm, tahimik na lang ako doon. Tahimik na lang. Mahirap na kasi, maraming di magagandang naririnig e. Let's see what happens," pag-iwas ni Piolo.

Ginagawa ni Piolo ngayon ang una niyang pelikula with Regine Velasquez, na co-production ng Star Cinema at Viva Films. Ito ang ikalawang pagtatambal nila after nilang magsama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN three years ago.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual, Rica Peralejo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maybe in two years, I wanna settle down already," says Piolo Pascual about his future plans
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results