Mark Herras and Patrick Garcia threaten each other

by Dinno Erece
Jan 18, 2007
Mark Herras (left) and Patrick Garcia reportedly continue to threaten each other via text messages.


May namumuong away sa pagitan nina Mark Herras at Patrick Garcia—Jennylyn Mercado's ex and current boyfriends, respectively.

Recently, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Jennylyn at Mark. Miscommunication between friends lang ito dahil bagama't nagsimula pareho ang dalawa sa StarStruck as partners, then as lovers, working loveteam na lang sila ngayon. Lalo pa't umamin na nga sina Patrick at Jennylyn na sila na nga.

Nagulat na lang si Mark nang makatanggap siya ng isang text message kay Patrick na tila naghahamon ng away. Hindi ito sinagot ni Mark pero ang ginawa niya ay tineks si Jennylyn para pagsabihan ang boyfriend ng young actress na huwag makidamay sa kanila. Sinabi rin umano ni Mark sa text na di raw niya uurungan si Patrick.

Hanggang ngayon, hindi binubura ni Mark ang text message ni Patrick sa kanyang cell phone inbox.

Tumagal ang ilang araw, nakatanggap na naman ng text si Mark. This time, hindi kay Patrick kundi kay Jennylyn na mismo.

Continue reading below ↓

Pinapatanong raw ni Patrick ang address ni Mark at may halong pagbabanta dahil pinag-iingat si Mark at ibang "level" na raw ito. The word "political" was mentioned in the text na raw, kung anuman ang ibig sabihin nuon.

Ang sagot ni Mark, ibigay ni Jennylyn ang address niya kay Patrick. Sabi nga ni Mark, hindi siya uurong sa hamon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras (left) and Patrick Garcia reportedly continue to threaten each other via text messages.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results