Jennylyn on Mark: "Wala siyang respeto!"

by Vinia Vivar
Jan 19, 2007
"Kung gusto niyang irespeto ko siya, irespeto niya muna ako," says Jennylyn Mercado about her ex-boyfriend Mark Herras.


Away-bati pa rin ang relasyon nina Jennylyn Mercado at Mark Herras kahit ngayong wala na sila at magkaibigan na lang.

Nagkaroon na naman ng gulo sa pagitan ng dalawa dahil sa mga text at tawag. Ang nakakalito, magkaiba ang kanilang bersyon.



Nauna nang nagpa-interview si Mark sa press at ito ang bersyon niya: Nag-text daw sa kanya si Jennylyn at ang rumored boyfriend nitong si Patrick Garcia ng hindi magaganda. Ito raw ay humantong sa paghahamunan ng dalawang young actors.



Base sa interview ni Mark, ilan sa messages ni Jen sa kanya ay "hina-hunting ka ni Patrick," "binigay ko ang address mo," "ibang level na ito," at "wala ka ng career."



Lumalabas sa beryson ni Mark na pinagtutulungan siya nina Jen at Patrick.

Si Jennylyn ay nagbigay ng kanyang bersyon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi. Ayon sa young actress-singer, panay raw ang tawag at text sa kanya ni Mark kaya nagalit si Patrick. Tuloy, nag-text raw si Patrick kay Mark, pero hindi raw totoong hinamon ni Patrick ng away ang ex-boyfriend.

Continue reading below ↓

"Tinanong ko nga si Patrick kung talagang nag-text siya kay Mark. Inamin naman niyang nag-text siya, pero ang ayos-ayos daw ng pagkaka-text niya. Hindi naman po gagawin ni Patrick yung maghamon ng away dahil marespeto siyang tao," sabi ni Jennylyn na tila pasaring kay Mark.

Sa bersyon ni Jennylyn, nagsimula ang away nila nang i-text niya si Mark na tumigil na sa pangungulit at magkaibigan na lang talaga sila. Pero kung anu-ano raw ang sinabing masasakit ng young actor sa kanya.

"Wala siyang respeto. Kung gusto niyang irespeto ko siya, irespeto niya muna ako," pahayag pa ng Ultimate Female Survivor ng Starstruck 1.



Pero ang latest tsika ay winakasan na ng dalawa ang kanilang pag-aaway nang magkausap sila sa telepono at magkalinawagan kagabi, January 19. Ayon kay Jen, nangako si Mark sa kanya na lilinisin nito ang kanyang mga ginawa.

Kung sinabi man ito ni Mark o hindi, ang malinaw ay nagpa-interview na siya kaninang umaga, January 20, sa radio program nina Ogie Diaz, Jun Lalin, at Fernan de Guzman sa DZXL.

Continue reading below ↓



Sa interbyu ni Mark, sinabi niyang nalinaw na nila ang lahat ng malabo kaya okay na sila ngayon ni Jennylyn. Ayaw raw niya ng may kaaway sa industriya kaya't makakaasa ang lahat na walang sapakang mangyayari sa kanila ni Patrick.



Magkaibigan na lang daw talaga sila ni Jen at nagkaroon lang ng kaunting misunderstanding sa pagitan nila.

Si Jen, na madalas masangkot sa mga alitang pang-romansa, ay wala pang pahayag.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung gusto niyang irespeto ko siya, irespeto niya muna ako," says Jennylyn Mercado about her ex-boyfriend Mark Herras.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results