Cristine Reyes stays with GMA-7

by Ruel J. Mendoza
Jan 20, 2007
Cristine Reyes joins the cast of GMA-7's Super Twins, after her much talked-about "last-minute backout" from Asian Treasures.


Sa wakas ay tumanggap na rin ng trabaho ang young actress na si Cristine Reyes after nitong tumanggi sa ilang TV offers. Kasama si Cristine sa bagong show ng GMA-7 na Super Twins, which will feature her batchmates sa StarStruck 1 na sina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte.



Kung matatandaan ay tinanggihan ni Cristine ang role bilang kaibigan ni Angel Locsin sa kasisimula lang na action-adventure series na Asian Treasures. Napunta kay Margaret Wilson ang nasabing role. Mas pinili kasi ni Cristine na sumama sa kanyang Ate Ara Mina nang mag-concert ito sa Europe.



Nanghihinayang nga ang mga humahawak sa career ni Cristine dahil marami na raw tinanggihang TV offers ang young actress. Ayaw naman daw nilang pilitin si Cristine.



"Bata pa kasi kaya medyo hindi mo maintindihan ang gusto. Okay lang naman yung umayaw siya kasi karapatan niya ‘yon. May mga moods kasi ang batang ‘yan kaya pinagpapasensiyahan namin. Pero kapag gusto naman niyang mag-work, di mo rin naman mapigilan, " komento ng road manager ni Cristine na si Manny Valester.

Continue reading below ↓

"Ganyan lang naman siya, pero sana dumating ang time na maisip niya na mag-seryoso. Kasi ang mga kasabayan niya sa StarStruck, ‘tulad nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, at ‘yung iba, ay asensado na. Sana nga ma-realize niya ang mga napapakawalan niyang opportunities," dagdag pa ni Manny.

Sa February 5 ay magse-celebrate na ng kanyang 18th birthday si Cristine. Tamang edad na raw ito para makapagdesisyon na siya para sa kanyang sarili.

"Close at spoiled kasi ‘yang si Cristine sa Ate Ara niya," sabi ni Manny, "kaya wala siyang masyadong iniisip na problema. Kapag may kailangan siya, takbo siya sa Ate Ara niya kasi alam niyang lagi siyang pagbibigyan."

Dagdag ng road manager, "Pero sinasabihan na namin siya na hindi habambuhay ay nandiyan ang Ate Ara niya. Kailangan na rin niyang asikasuhin ang sarili niyang career. Nakikinig naman si Cristine at promise niya this year ay magsisipag na siya." .

Continue reading below ↓

Dahil sa pagtanggap ni Cristine sa Super Twins, matitigil na siguro ang usap-usapan na kaya nag-backout ang young actress sa Asian Treasures ay dahil lilipat na siya sa ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes joins the cast of GMA-7's Super Twins, after her much talked-about "last-minute backout" from Asian Treasures.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results