Gretchen Barretto remains positive in the midst of issues

by Wells Avante
Jan 21, 2007
"Alam mo, lahat ng matatapang na tao, merong soft spot, merong kahinaan din 'yan. Yun nga, I'm only blessed talaga with friends na pinapalakas lang din talaga ang loob ko. At the end of the day, I have to be positive, I have to know that may Diyos... yun lang naman yun," says Gretchen Barretto

Bagama't marami siyang pagsubok na dinaraanan ngayon, nananatiling positibo ang aura ng aktres na si Gretchen Barretto. Para sa kanya, ang problemang kinasasangkutan ngayon ng partner niyang si Tonyboy Cojuangco ay pagsubok lamang sa kanilang dalawa.

Bukod kay Tonyboy, nariyan din ang mga tapat na kaibigan ni Gretchen na sumusuporta sa kanya. Hindi rin niya isinasantabi ang pagtawag sa Diyos.



Lumabas sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo kahapon ang pagkakadawit ng pangalan ni Tonyboy kaugnay ng nabigong coup attempt noong February 4, 2006. Ayon sa pahayag ni dating ambassador Roy Señeres, si Tonyboy at iba pang apat na kilalang personalidad ay may kinalaman sa hakbang ng mga military officers upang bawiin ang suporta nila kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Bukod kay Tonyboy, pinangalanan din ni Señeres sina dating defense secretary Renato de Villa, construction tycoon Felipe F. Cruz Jr., at ang komersiyanteng si Iñigo Zobel.

Iniuugnay rin ang gobyerno sa revamp na nagaganap ngayon sa ABC-5, na pag-aari ng bilyonaryong businessman. Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment) noong January 19, pinabulaanan ng aktres ang mga paratang kay Tonyboy.

Continue reading below ↓

Ito ay excerpt sa text message ni Gretchen: "Tony has always run his businesses successfully and in a legal way. Wala sa pagkatao ni Tony ang gumawa ng illegal...Walang kinalaman ang gobyerno sa pagbabago sa ABC-5..."

Bilang pangwakas, sinabi ni Gretchen na kung mangyari ang hindi dapat, "Hindi ako magdadalawang-isip na samahan si Tony na tumira sa loob ng bilangguan."

STILL STRONG. Kahapon, January 20, ay nakausap muli ng PEP si Gretchen sa Olay Swap event na naganap sa Tempt Asian restaurant sa SM Megamall.

Sa nasabing panayam, hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye si Gretchen tungkol sa isyung kinahaharap ni Tonyboy, sa halip ay ibinahagi na lang niya ang sitwasyon nila ngayon.



"I always have Tony, I always have Dominique. Maraming nandiyan para sa akin, whether friends, family. They'll always be there. I believe no matter what it is, we will always be strong together. Yun lang yun," mariing pahayag ni Gretchen.

Continue reading below ↓



"Si Tony, masyadong madasalin na tao ‘yan. Mas madasalin siya kesa sa akin. Naging ganyan siya siguro four, five years ago. Dun siya nagsimulang maging masyadong maka-Diyos. Strong siya, tahimik lang siya, pero matatag. I guess I'm strong because, I told you, I have friends, they lift me up," dagdag pa niya.



Paano nila tinutulungan ni Tonyboy ang isa't isa ngayong nahaharap sila sa pagsubok?



"Together, we are strong. Wala, niyayakap ko lang siya. Sabi nga nila, actions speak louder than words. I know I'll be fine. I know pagsubok lang ito. Walang ibinibigay ang Diyos na hindi natin kaya. Sabi nga nila, hindi perpekto ang buhay. Life will not always be good. No matter what trials, kung ano man yung trials na binibigay sa amin, I know that it will only make us strong and stronger," positibong sagot ni Gretchen.



"Yun lang yung alam ko. I welcome whatever trial it is. Last week, merong tsismis na namatay si Tony, yun na yung pinakamabigat. For me, yun na yung pinakamabigat because for me that's the end. Sabi ko nga after that, kahit ano kakayanin ko. Mas nagdadasal ako ngayon, siyempre marami tayong hindi kaya sa buhay. We need God at this time," seryosong sabi pa niya.

Continue reading below ↓



Kumusta naman ang kalagayan ng anak nilang si Dominique sa gitna ng krisis na kinakaharap ng kanilang pamilya ngayon?



"Si Dominique, hindi marunong mag-Tagalog. Mabuti na lang ‘yan for this time dahil hindi siya nakakapanood ng news. Wala pa akong sinasabi sa kanya. Wala siyang alam at hindi ko pinapahalata," tawa niya.



"Dominique will be okay. I wanna thank God na si Dominique, may older sister, 28 years old. If anything happens, Dominic's sister will take care of her. Of course, they're close," patuloy ni Gretchen. Hindi na idinetalye ni Gretchen kung sino ang tinutukoy niyang kapatid ni Dominique.

A POSITIVE OUTLOOK. Sa bagong pagsubok na ito, paano nagagawang harapin ni Gretchen ang lahat ng mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya?



"I guess natuto na akong maging positibo sa buhay ko, sa outlook ng buhay ko. Kahit ano ang situwasyon, ang importante e positive tayo, and that we have something to look forward to. Kung hindi, corny, boring ang buhay at nakaka-depress," nakangiti niyang sabi.

Continue reading below ↓



"Ang problema, parating darating 'yan. Hindi naman stable ang ating sitwasyon. You have your ups and you have your downs. Ang importante, you always rise above your situation," pagpapatuloy ni Gretchen.



Idinagdag din niyang mapalad siya dahil may mga kaibigan siyang laging nandiyan para sa kanya sa oras ng kagipitan.



"Ang importante, you also have your friends who love you, who support you na medyo ‘pag lumalaylay ka, ‘ayan, they're there to pull you up. ‘Hey, nandito lang kami, kaya mo ‘yan!'" sabi ni Gretchen.



"Siyempre, ‘pag may problemang dumarating at nada-down... Kaya nga tayo binibiyayaan ng mga kaibigan. Minsan nakakalimutan natin na kailangan, we rise above this problem.



"Then, they pull you up again. Hindi naman sa lahat ng panahon strong tayo, matapang tayo—kahit malakas tayo. May panahon na humihina din. Tao lang tayo e," dagdag pa niya.



ON SISTER CLAUDINE. Hindi na rin pinalagpas ng entertainment press ang pagkakataon na tanungin si Gretchen tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Claudine Barretto, na kasalukuyang buntis sa unang anak nito sa mister niyang si Raymart Santiago. Ngunit pinili na lang ni Gretchen na hindi na direktang sagutin ang tanong.

Continue reading below ↓



"I don't think very far. Honestly, kung ano man ang nangyayari ngayon, this is all I can handle. May mga sitwasyon na pinagdadaanan kami ngayon. I would like to tackle that. Yun lang muna... Ang importante, positive ang outlook, mabuti ang puso natin and we have a forgiving heart," sabi niya.



"Alam mo, lahat ng matatapang na tao, merong soft spot, merong kahinaan din 'yan. Yun nga, I'm only blessed talaga with friends na pinapalakas lang din talaga ang loob ko. At the end of the day, I have to be positive, I have to know that may Diyos... yun lang naman yun," pagtatapos niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, lahat ng matatapang na tao, merong soft spot, merong kahinaan din 'yan. Yun nga, I'm only blessed talaga with friends na pinapalakas lang din talaga ang loob ko. At the end of the day, I have to be positive, I have to know that may Diyos... yun lang naman yun," says Gretchen Barretto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results