Diether Ocampo definitely not running for Congress

by Dinno Erece
Jan 24, 2007
Referring to politics as "roon" and to showbiz as "dito," Diether Ocampo says, "Magulo roon, mas magulo dito. Sila na lang doon."


Napakalakas ng bulung-bulungan sa Cavite na tatakbo raw ang young actor na si Diether Ocampo for Congress sa First District (Bacoor area) ng lalawigan. Ang makakalaban daw niya ay isang Revilla, one of the Cavite's most influential political surnames. Although it has been noted na malayong magkamag-anak ang mga Bautista (the Revillas' real surname) and Ocampo.

During the last election, napag-usapan din na tatakbo si Diet ngunit hindi ito natuloy.

Tinext namin si Diet last Sunday, January 23, tungkol naman sa coming May election and, again, he denied that he would run.

The same night, nagkita kami sa birthday party ni IC Mendoza sa Watering Hole sa may Shangri-La. Pinag-usapan namin muli ang "pagtakbo niya sa Congress," at muli ay sinabi niyang wala itong katotohanan.

"Magulo roon, mas magulo dito. Sila na lang doon," sabi sa amin ni Diet, na ang tinutukoy sa "roon" ay politics at ang sa "dito" ay showbiz.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Diet—na nang gabing iyon ay may kasamang mga male friends— palagi raw siyang iniimbitahan ng mga political parties na tumakbo sa lugar nila sa Bacoor district and always daw ay palagi niya itong tinatanggihan. Hindi nga niya alam kung bakit lumalabas pa rin ang balita na tatakbo siya. Once, he admitted, napag-isipan niya rin ito ngunit hindi niya rin itinuloy in the end.

Sabi ni Diet, makatutulong naman siya sa publiko without going into politics.

The actor-band member-publisher has his own foundation, K.I.D.S. (Kabataan, Ito'y Dapat Sagipin) Foundation na nai-launch late last year with a fundraising concert.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Referring to politics as "roon" and to showbiz as "dito," Diether Ocampo says, "Magulo roon, mas magulo dito. Sila na lang doon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results