Carmina Villarroel not yet ready to work with Rustom Padilla

by Rommel R. Llanes
Jan 25, 2007
"Parang ‘wag na lang siguro...Una, like I've said before, wala akong ill feeling towards him. Pero siguro ‘wag na lang yata munang magsama kasi baka mamaya imbes na yung pelikula ang pag-usapan, e yung kaming tatlo [nina Rustom at Zoren]," says Carmina Villarroel about working again with ex-husband Rustom Padilla.

Nagbabalik sa soap opera ang aktres na si Carmina Villarroel. Kasama siya sa bagong daily afternoon soap ng GMA-7 na Princess Charming.

Ito ang unang pagkakataon na lalabas sa isang afternoon drama show sa Kapuso Network si Carmina. Matatandaang parehong pang-primetime ang soaps niya dati sa GMA7—Narito ang Puso Ko, Mulawin, at Majika.



Sa press con ng Princess Charming last Tuesday, January 23, ay ikinuwento ni Carmina ang role niya sa bago niyang primetime soap opera.

"Mabait ako dito. Kung papa'no ako sa totoong buhay!" natatawang panimulang sabi ni Carmina.



"Mabait ako dito, mapagmahal na asawa, mapagmahal na ina. Pero ako kasi, parang laking-hirap e, laking-Tondo. So medyo may pagka-usisera..." patuloy niya.

Saan mas kumportable si Carmina, sa mabait na role or bilang salbahe?

"Actually pareho. Kasi yung bait-baitan, siyempre gusto mo yung inaapi-api ka, iyak-iyakan ka. Maganda rin naman yun kasi parang naaawa sa ‘yo yung mga tao, yung ganu'n. Pero kasi, ‘di ba, nag-portray na din ako ng kontrabida? Maganda din kasi napapaglaruan mo, although parang mabigat sa kalooban kasi lagi kang magagalit. Ang sakit, e," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

After Majika, kasama ulit ni Carmina ang kanyang partner na si Zoren Legaspi sa Princess Charming. Kumusta ba namang makatrabaho si Zoren?

"Siyempre sobrang thankful ako kasi mas madali on our part na mag-portray as husband and wife. I can be so comfortable. Yung papaano ako sa kanya mag-asikaso, yung hindi na ako maiilang sa ka-partner ko, yung wala nang pretensions," pag-e-enumerate ni Carmina.

Inusisa rin namin kay Carmina kung may offer na ba sa kanya na makatrabahong muli ang dati niyang asawang si Rustom Padilla, na noong isang taon ay umamin na isa nga siyang bakla.

"Ay, wala pa 'ata! Tsaka parang ‘wag na lang siguro kasi parang ... Una, like I've said before, wala akong ill feeling towards him. Pero siguro ‘wag na lang yata munang magsama kasi baka mamaya, imbes na yung pelikula ang pag-usapan, e yung kaming tatlo [nina Rustom at Zoren]," paliwanag ni Carmina.



"Hindi naman ako naglalagay ng period, ‘no! Pero sa ngayon kasi, wala din naman akong time to do a movie. Only time can tell. Kung may nag-offer, why not chocnut! Sige, go! Pero sa ngayon, okay na kami nang ganito, na tahimik yung mga buhay namin. 'Eto na nga yung wala pa kaming ginagawa, may slight na usap-usapan na kung ano yung reaction ko," aniya pa.

Continue reading below ↓

"Siguro give it a little more time, but I'm not closing my doors," pagtatapos niya.

Bukod kay Rustom, kasama rin ni Carmina sa Princess-Charming sina Mylene Dizon, Chanda Romero, Lotlot de Leon, Mark Herras, Jackie Rice, Allan Paule, Dexter Doria, at ang mga batang bida na sina Eunice Lagusad at Crystal Reyes. Magsisimula na ito sa Lunes, January 29, sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang ‘wag na lang siguro...Una, like I've said before, wala akong ill feeling towards him. Pero siguro ‘wag na lang yata munang magsama kasi baka mamaya imbes na yung pelikula ang pag-usapan, e yung kaming tatlo [nina Rustom at Zoren]," says Carmina Villarroel about working again with ex-husband Rustom Padilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results