Richard Gutierrez wears a diamond earring from Angel Locsin

by Nora Calderon
Jan 25, 2007
"Kahit anong mangyari, narito lang ako para sa ‘yo. Kung dumating yung time na kailangan mo talaga ang isang kaibigan, nasa tabi mo agad ako. Kung may magpapaiyak sa iyo, paiiyakin ko rin," promises Richard Gutierrez to Angel Locsin.


Sa nakaraang birthday celebration ng kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez sa SOP last Sunday, January 21, ay may suot-suot na hikaw sa kanyang kaliwang tenga si Richard. Ang nasabing hikaw ay may diamond na bigay kay Richard ng kanyang leading lady sa The Promise na si Angel Locsin.

The diamond earring is part of Richard's new look sa The Promise, a co-production venture of GMA Films and Regal Entertainment for Valentine's Day.

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang last shooting day ng The Promise sa De Jesus Mansion sa Tagaytay City. Bukod sa huling araw ng shooting ng pelikula, may surprise birthday party rin kina Richard (January 21) at TJ Trinidad (January 22). TJ plays the husband of Angel in the movie.

Present that day ang mga producers na sina Annette Gozon-Abrogar, Roselle Monteverde-Teo, at Joey Abacan; scriptwriter Raquel Villavicencio; and Richard's mom, Annabelle Rama, na may dalang limang lechon-Cebu.

Lahat ay kinilig sa sweetness nina Richard at Angel nang gabing ‘yon, na sa tingin namin ay hindi for publicity lamang. Pero alam naman ng lahat na kahit kabi-break lang ni Angel sa boyfriend niyang si Oyo Sotto ay mag-on pa rin si Richard at ang girlfriend nitong si Georgina Wilson.

Tuwing tutuksuhin sina Richard at Angel ay pangiti-ngiti lamang sila, pero laging nakaakbay si Richard kay Angel. Noon nga namin pinansin ang isang diamond earring na suot ni Richard.

Si Angel na ang nagkuwento nang usisain namin tungkol sa hikaw. "May change na po kasi sa character ni Richard towards the end of the story," panimula niya. "Yumaman na kasi siya. Nasa Bolinao in Pangasinan kami noon nang siya ang makaisip na maglagay naman siya ng earring sa ear niya, bukod sa binago na rin ang kanyang haircut. May dati na siyang butas sa ear, kaya lang nagsara na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Angel, "Hiningi niya yung lalagyan ko ng jewelries at nakita niya yung diamond earrings ko. Yung isa ang ipinambutas sa ear niya ng make-up artist namin. Kahit nagdugo, okay lang daw kay Chard [nickname ni Richard]. Hindi ko pa po binabawi ang earring kasi dapat daw mag-heal na mabuti yung ear niya bago niya tanggalin ang earring."

"Hindi ko na isosoli sa ‘yo, akin na ‘to!" natatawang biro ni Richard kay Angel.

"Hindi ko nga tinatanggal. Kapag may nagtanong sa akin, sabi ko, 'Earring ito ni Angel,'" pahabol pa ng binata.



"Hindi pwede, mahal ‘yan! Kailangang isoli mo sa akin!" natatawa ring wika ni Angel.

Biro namin kay Angel, 'yon na lang ang birthday gift niya kay Richard. O di kaya ay papalitan na lang ng mas malaking diamond earrings sa ina ni Richard na si Annabelle, na tawa lamang nang tawa.

Wala pa raw nabibiling birthday gift si Angel para kay Richard dahil nga sunud-sunod ang shooting nila.

Nakangiting sabi naman ni Richard, "Okay na sa akin ang hug."

Kahit daw sa family birthday celebration nila ni Raymond, hindi raw inalis ni Richard ang earring. Ikinagulat daw ng ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez-Bektas nang makita ang nakababatang kapatid na may suot na hikaw.

Dahil The Promise ang title ng kanilang bagong pelikula together—their last was in Mano Po 5: Gua Ai Di—tinanong namin sina Richard at Angel kung ano ang pangako nila sa isa't isa.

"Ako, kahit anong mangyari, narito lang ako para sa ‘yo. Kung dumating yung time na kailangan mo talaga ang isang kaibigan, nasa tabi mo agad ako. Kung may magpapaiyak sa iyo, paiiyakin ko rin," seryosong wika ni Richard kay Angel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I consider you as someone who's very special to me. Simula pa noong una tayong nagkasama sa Click on March 2002... Come to think of it, parang ang layo na nang narating nating dalawa," sabi pa ni Richard.

"Kung ano ang meron tayo ngayon, napaka-importanteng pangyayari ito sa buhay ko. Itsi-cherish ko ito palagi at narito rin ako para sa iyo, kung kailangan mo ako," sagot naman ni Angel.

Sayang na hindi na namin nahintay yung passionate but very tender love scene nina Richard at Angel na iba ang execution ni Direk Mike Tuviera, dahil kailangan nang maghanda ni Angel sa "bugbugan" scene nila ni TJ. Iyon ang huling eksenang kukunan nila na malamang abutin na raw ng umaga. Matapos nuon ay kumpleto na ang The Promise.

Mukhang very promising ang pelikula dahil kahit sina Richard at Angel, parang hindi na raw nila mahintay na mapanood ito sa big screen on February 14, 2007.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kahit anong mangyari, narito lang ako para sa ‘yo. Kung dumating yung time na kailangan mo talaga ang isang kaibigan, nasa tabi mo agad ako. Kung may magpapaiyak sa iyo, paiiyakin ko rin," promises Richard Gutierrez to Angel Locsin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results