Erik Santos reacts to fake piggy-back ride photo with Piolo Pascual

by Melba R. Llanera
Mar 13, 2007
"Alam ko naman na kayang-kaya ni Piolo ‘yan. Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan niyang intriga, maning-mani na ‘yan sa kanya," says Erik Santos about Piolo Pascual.


After the much-talked about fake holding hands photo of Piolo Pascual and Sam Milby, ang piggy-back ride photo naman nina Piolo at Erik Santos ang kumalat sa Internet.

With the breathtaking view of the Golden Gate in California as backdrop, lumabas na produkto lang din pala ng photoshop ang larawang ito nina Erik at Piolo. Sa original photo ay kasama ng dalawa si Toni Gonzaga na siyang totoong nakasampa kay Piolo.



"Actually, nung una, natawa ako. Pero nag-isip ako kung mayroon nga ba akong picture na kasama ko si Piolo na may ganung kuha. Wala akong maisip. Yung mga fans ko ang nagsabi at nagpakita sa akin nung photo. Dun ko naiisip na kuha namin yun sa California, sa Summer Caravan ng ASAP last year. Ang nakapasan kay Piolo ay si Toni, ako ang nasa baba nila. Ang ginawa, binura si Toni, inilipat ako sa itaas tapos dinugtong ang kamay ko sa kamay ni Toni," kuwento ni Erik sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, March 11, sa dressing room ng ASAP '07.

Continue reading below ↓



Kung tutuusin ay hindi na bago kay Piolo ang ganitong issue dahil bago ang kanilang fake photo nila ni Erik ay lumabas na ang fake holding hands photo nila ni Sam. Kampante si Erik na bilang kasamahan sa trabaho at kaibigan na rin ay hindi naaapektuhan ng ganitong uri ng mga intriga si Piolo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



"Alam ko naman na kayang-kaya ni Piolo ‘yan," positibong sabi ni Erik. "Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan niyang intriga, maning-mani na ‘yan sa kanya. Buti na lang, napaka-strong din ni Piolo, kasi alam niyang nasa tabi niya si God kaya I can say he's not affected."

Sa mga taong gumagawa ng ganitong mga bagay, may mensaheng gustong iparating sa kanila si Erik: "Lahat ng mga bagay may kapalit. Maganda o pangit man ang gawin mo, lahat ‘yan ay may katapat. Bahala na lang si God sa mga gumagawa ng ganyan."

Read Next
Read More Stories About
Erik Santos, Piolo Pascual
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko naman na kayang-kaya ni Piolo ‘yan. Sa dinami-dami ng mga pinagdaanan niyang intriga, maning-mani na ‘yan sa kanya," says Erik Santos about Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results