Bong and Lani's youngest child wants another sibling

by Rose C. Dionson
Apr 10, 2007
"Ram is asking for another baby sibling, I just simply explained to him that no, because I'm already ligated," says Lani Mercado (pictured, with husband Bong Revilla).

Natawa na lang ang mag-asawang Lani Mercado at Senator Bong Revilla nang sabihin sa kanila ng bunsong anak nila na si Ram habang nakabakasyon sila sa Boracay noong nakaraang Holy Week na gusto pa nitong magkaroon ng bagong kapatid.

Ayon kay Lani, ligated na siya kaya hindi na siya maaaring mabuntis.

"Ram is asking for another baby sibling, I just simply explained to him that no, because I'm already ligated. I think I was 31 when I had the operation and right now I'm 39," sabi ni Lani sa panayam sa kanya ng TV Patrol World.

Ilang araw ring nagbakasyon sa Boracay ang pamilya nina Lani. Bumalik sila ng Manila kahapon ng umaga, April 9.

"We just arrived from Boracay, we stayed there because we really need a break. The whole family was there, Bong and the six kids," aniya.

Sina Lani at Bong ay ikinasal noong 1987. Anim ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Sina Bryan, 20; Jolo, 18; Inah, 17; Gianna, 11; Loudette, 9; and Ram, 8.

Continue reading below ↓

Ngunit ayon kay Gretchen Barretto, hindi anim, kundi pito ang talagang anak ni Bong. Matatandaan na kasabay ng pagpasok ng 2007 ay pinasabog nga ni Gretchen ang nasabing isyu. Hindi kasi nagustuhan ng kontrobersiyal na aktres ang binitiwang pahayag ni Lani that she wished Gretchen and her long time partner Tonyboy Cojuangco would marry. Kaya gumanti ito at ibinulgar ang pagkakaroon ng anak ni Bong sa ibang babae.

Hindi naman itinanggi ni Bong ang mga sinabi ni Greta. Sa katunayan aniya, three years ago pa niya naipagtapat kay Lani ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae. Paulo umano ang pangalan ng anak ni Bong at teenager na ito ngayon.

Na-meet na rin daw ni Lani at ng mga anak nila si Paulo. Laking pasalamat nga raw ni Bong na tinanggap ni Lani at agad pinatawad ang kanyang pagkakamali. Tiniyak naman ni Lani na bagama't nasaktan siya sa nalaman ay hindi naman nakabawas sa pagmamahal niya sa asawa ang minsang pagkakamali nito.

Continue reading below ↓

"Of course, I cried. Hindi naman ako bato. But we worked it out. I love my family. I respect my husband. Our marriage is strong. I will always work to keep it that way. We always aim for a perfect world, but nobody's perfect," sey ni Lani sa mga nakaraan niyang panayam.

Nilinaw rin ni Lani na naiintindihan ng mga anak niya ang sitwasyon at tanggap ng mga ito ang anak ni Bong sa ibang babae.

"They understood the situation, and have since accepted that they have another brother. They now call him Kuya. Ram often sends his ‘kuya' text messages about computer games," sabi pa ni Lani.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ram is asking for another baby sibling, I just simply explained to him that no, because I'm already ligated," says Lani Mercado (pictured, with husband Bong Revilla).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results