Alessandra has not yet accepted Rhian's apology

by Rey Pumaloy
Apr 12, 2007
Although Rhian Ramos (left) has already issued a public apology to Alessandra de Rossi regarding the "sigawan" incident that happened during the taping of their show, Alex is still angry at Rhian.


Sobra pa rin ang panggigigil sa galit ni Alessandra de Rossi kay Rhian Ramos dahilan para asamin ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi na huwag nang makita for life si Rhian.

Labis na naapektuhan si Alex (palayaw ni Alessandra) sa ginawang pagpapa-interview ni Rhian tungkol sa kanilang engkuwentro ni Alex sa taping ng L.U.V. Pow. Ayon kay Alex, gabi-gabi umanong iniiyakan ng kanyang ina ang issue sa kanila ni Rhian.

Matatandaang sa taping ng L.U.V. Pow noong March 27 ay sinabihan diumano ni Rhian si Alex ng "Can't you try to be professional, please? I'm working my ass off here!" nang magkamali si Alex sa last scene nila ni Rhian for the day.

Dahil dito ay ibinato raw ni Alex ang kanyang cell phone nang tatlong beses dahil sa galit. Nang umalis na si Rhian sa set ay saka daw umiyak si Alex sa staff ng kanilang show.

Ayon naman kay Rhian ay nagbibiro lamang siya. Ibinalik lang daw niya ang biro kay Alex na tuwing may magkakamali sa eksena ay pakunwaring nagtataray. Ganun pa man, humingi na ng apology si Rhian kay Alex sa pamamagitan ng interview niya sa TV.

Continue reading below ↓

Tumatanggi nang magpa-interview on camera si Alex, pero hindi ang pagku-comment sa mga kakilalang press. Hindi raw nito kayang harapin si Rhian dahil hindi raw ito sincere sa paghingi nito ng apology.

Mas nauna pa raw kasi ang pagpapa-interview ni Rhian sa mga press para sabihing nagbibiruan sila nito kaysa humingi ng apology sa kanya.

"Sinasabi niya na nagbibiruan kami? Hindi ko siya close para makipagbiruan sa kanya. At nagpa-presscon pa siya para lang ikuwentong nagbibiruan kami? Salamat ng marami sa kanya dahil gabi-gabing umiiyak ang Mommy ko dahil sa kanya," mariing pahayag ni Alex.

Ipinauubaya na raw ni Alex sa Mommy Neneth niya ang pagbibigay ng statement tungkol sa isyung ito pagdating nito sa Pilipinas mula sa Italy.

Sa ngayon, hindi pa kayang tanggapin ni Alex ang anumang sasabihin ni Rhian dahil sa panggigigil nito sa young actress na mainstay ng Lupin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Rhian Ramos (left) has already issued a public apology to Alessandra de Rossi regarding the "sigawan" incident that happened during the taping of their show, Alex is still angry at Rhian.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results