Rica Peralejo denies auditioning for "Marimar"

by Allan Diones
Jun 15, 2007
Acterss Rica Peralejo was rumored to have auditioned for the title role of the Philippine adaptation of Marimar. But Rica denied the report.


Kaswal na itinanggi ni Rica Peralejo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lumabas na balitang nag-audition siya para sa Pinoy version ng Mexican telenovela na Marimar sa GMA-7.

Ka-chat namin si Rica sa YM (Yahoo! Messenger) kani-kanina lang at ipinalinaw namin sa kanya ang nasabing isyu.

"No, it's not true," ang mabilis na sagot ni Rica sa tanong ng PEP.

May sinabi siya sa amin na ipinakiusap niyang huwag na lang naming isulat dahil ayaw niyang ma-offend ang GMA-7. Basta nilinaw niyang hindi siya "sinusulot" ng Kapuso network sa ABS-CBN dahil in fairness daw sa GMA-7 ay wala raw nangyaring ganun sa kaso niya.

Nag-iingat din si Rica sa pagsagot sa isyu dahil baka raw mabigyan ng ibang kahulugan o interpretasyon ang anumang sasabihin niya.

Sa ngayon ay sa ASAP ‘07 lang siya regular na napapanood, pero may dalawang bagong shows siyang malapit nang simulan sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasama si Rica sa morning show na Umagang Kayganda na ipapalit sa Magandang Umaga Pilipinas. Makakasama niya rito sina Edu Manzano, Pinky Webb, Bernadette Sembrano, Donita Rose, Pokwang, Ogie Diaz, Winnie Cordero, Anthony Taberna, at Kim Atienza.

Nasa cast din si Rica ng teleseryeng Pangarap na Bituin, kasama sina Sarah Geronimo, Maja Salvador, at Jericho Rosales. Sa June 25 ang pilot telecast ng Umagang Kayganda. Sa July pa raw ang simula ng taping ni Rica ng Pangarap na Bituin, na sa pagkakaalam niya ay sa September pa ang airing.

Nabanggit din sa amin ni Rica na medyo mahihirapan siya sa Sunday show niyang ASAP '07 dahil nagsimula na siyang pumasok ulit sa school. Nag-start na siya this week sa four-year Creative Writing course na kinuha niya sa Ateneo de Manila University.

Every day ang pasok niya sa school kaya ang araw ng Linggo raw dapat ang pahinga niya. "Ngarag" at "nakakaloka" ang description ni Rica sa kanyang first day of school sa Ateneo.

Continue reading below ↓

The best daw ang classmates niya, na ayon sa kanya ay binigyan siya ng warm welcome. Pero panay ang tawa si Rica dahil ang babata raw ng mga kaklase niya.

"Ateng-ate ang dating ko!" tawa ni Rica, sabay paalam sa amin sa YM dahil may gagawin pa raw siya.

Read Next
Read More Stories About
Rica Peralejo, Marimar
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Acterss Rica Peralejo was rumored to have auditioned for the title role of the Philippine adaptation of Marimar. But Rica denied the report.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results