PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kristoffer Martin admits he used to bully gays in the past

Kristoffer Martin initially hesitated to portray a gay character for Magpakailanman.
by Rose Garcia
Published Apr 25, 2014
Kristoffer Martin (in both photos) initially hesitated to portray a gay character for Magpakailanman.


Marami-rami na ring karakter na nagampanan ang Kapuso young actor na si Kristoffer Martin, pero, sa kauna-unahang pagkakataon, ginagampanan niya ang papel ng isang bading. Ito ay para sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, April 26, pinamagatang “Siga Noon, Beki na Ngayon.”

Binigyan ng solo press conference ng GMA Artist Center si Kristoffer para sa natatanging pagganap niya sa katauhan ni Christopher.

Nanalo na ng acting award si Kristoffer nang matanggap niya ang Honorable Mention Best Supporting Actor sa 16th Long Island International Film Expo para sa indie film niya titled Oros.

Pero pagdating sa pagganap na isang bading, may pag-alinlangan pala si Kristoffer.

“May hesitation talaga. Ang una kong tinanong, may love scene po ba, may kissing scene po, kasi, hindi malinaw sa akin. [Sabi nila], 'Kristoffer, may ano ka raw sa lalaki.' So, ako ba ang lalaki, ako ang bakla? Tapos sabi, ako raw yung bakla.

“May kissing scene po ba, may bed scene? Ah, wala, wala, wholesome pa rin. So, sabi ko, basahin ko muna po ang script. Noong binasa ko yung script, okay naman siya. Actually, kaya ako napa-oo dahil sa material. Hindi naman siya all-through-out na bakla siya.”

Ayaw pala niya ng karakter na bading talaga mula umpisa?

“Siguro kung ganoon ang istorya, hindi ko tatanggapin. Pero lalaki noong umpisa hanggang sa naging bading.”

Bakit may hesitation siya sa gay roles?

“Kasi, unang-una, kaya ko ba? First time kong magba-bakla. Parang hesitant pa ko. Mabibigyan ko ba ng justice ‘to? Kaya ko ba? Sayang, e, baka kung pipilitin na dahil lang sa akin magba-bakla ako, baka pangit.

“Mahirap kapag bago, mahirap kapag first time. Doon nga, para akong baguhan lalo na sina Sir Mike [Michael de Mesa] pa ang nandoon na Tatay ko. Nahirapan ako pero after, natuwa ako sa revelation scene na nalaman ng Tatay ko na bakla ako, binubugbog niya ko.”






Ang pinaka-isyu raw talaga ni Kristoffer sa pagtanggap ng gay roles ay kung “kaya na ba niya.”

“Iniisip ko kasi kung mabibigyan ko ba ng justice. Hindi naman siya all through-out na bakla at saka, maganda ang material. Ako kasi, malinaw sa akin ang passion. If your passion is to act, fame is just a bonus.

“Hindi naman sa akin importante yung fame na. Kumbaga, buo na sa loob ko na masaya kong umaarte. Masaya ko na binibigyan yung buhay ng character ng sinuman. Kumbaga, yun ang parang pinaka-reward ko na sa sarili ko.”


Sa rami ng mga aktor na gumaganap na bading, ang isa pang Kapuso star na si Sef Cadayona ang sinasabi ni Kristoffer na ginawa niyang peg.

Aniya, “Yung pagba-bakla niya, convincing. Sinabi ko sa kanya ‘yan, natatawa lang siya. Pero, mahirap kasi kung walang panggagalingan. Kasi si Direk [Neal del Rosario] ayaw niya ng sobrang bakla. Yung hard sell na bakla. E, halos lahat ng taong nakakahalubilo ko sa set, all-out bakla.

“Kumbaga, OA [overacting] yung—lalo na ang handler ko, all-out na bakla.”

Binanggit namin ang pinaka-nakilalang gumanap na bading sa Kapuso network na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Bakit hindi sila ang naisipan niyang gayahin?

“Ang sabi kasi ni Direk mahinhin na bakla. Actually, yung arte lang. Yung kina Tom and Dennis, hindi ko kasi napanood ang My Husband’s Lover, napapanood ko lang sa mga trailer. Kaso yung pagka-bakla nila, hindi bagay sa karakter ni Nognog.

“Ang gulo nga, kasi, gusto ni Direk bakla pero, may pagka-matikas pa rin. Hindi ko siguro mabigay na example kasi, hindi ko napanood.”

Ngayong nakaganap na siya ng bading, posibleng simula na ito ng pagtanggap niya ng mas daring gay roles?

“Siguro may limitation. Hindi naman siguro yung kapag may dumating na material na bakla ako, tanggap agad. Siguro ano lang, pipiliin ko pa rin. May limitation pa rin like ako, hindi ako ready sa mga kissing scenes, yung lalaki sa lalaki.”

Kinamusta tuloy namin si Kristoffer kapag nakakapanood siya na may ganoong eksena, ano ang nagiging pakiramdam niya.

Aniya, “Parang naiilang ako, e. Parang saan ko ba ‘to napanood, yung sa trailer nina Jake Cuenca at Joem Bascon, parang tingin ko, hindi ko kayang gawin."

Tinutukoy niya ang indie film nina Jake at Joem titled Lihis.

“Siyempre, ako sa sarili ko, parang naasiwa ako. Pero siyempre, siguro hindi ko rin masasabing darating sa ganoong point na magagawa ko rin yun. Siyempre, once na mabuo na ang gusto kong mangyari, yung craft ko, yung passion, mas maging malinaw, siguro magagawa ko but as of now, kung ngayon niyo ako tatanungin, hindi.”


ON DEALING WITH GAY PEOPLE. Kumusta siya sa mga bading?

Baka kasi, akalain na may pagka-homophobic siya.

Sabi naman ni Kristoffer, “Aaminin ko, before, hindi ako palagay sa mga bading, noong High School, isa nga ako sa mga nangbu-bully kapag may mga bakla akong kaklase, isa ako sa mga nangangantiyaw. Pero, noong nandito na ako sa showbiz, siyempre at first, ilang.”

Hindi niya nakikita ang sarili sa same-sex relationship?

“Hindi, e, hindi talaga,” saad niya.

Naranasan na ba niya na may kaibigan siya na nalaman niyang bading at may interes sa kanya?

“Wala pa naman, pero, noong High School, may kaibigan ako na—actually, hindi ko siya ganoon ka-close, pero dahil kaklase ko siya, yun, sa tropa, sumasama siya.”

Hindi siya nagpakita ng interes sa kanya?

“Nagpakita nga,” natawang sagot ni Kristoffer.

“Pero sinasabi ko, ano ka ba, tapos minsan, kapag loko-loko ng barkada, papatulan mo, sasakyan mo ng konti. Mga typical na lokohan ng barkada.”


ON INDECENT PROPOSALS. Sa showbiz, maraming mga “indecent proposal,” may natanggap na siya mula sa isang bading?

“Kung may ganun man, kung alam ko kung saan tutungo, hindi ko i-e-entertain. Wala naman at buti nga wala pa. Kasi ako, sobrang sensitive ko, yung parang mabastos lang, tataas agad ang temper ko, so far, wala naman.”


Siya na rin ang may sabi na nang pasukin niya ang showbiz at ma-expose sa mga bading, nawala rin ang pagka-ilang niya.

Ano ang mga nakita niya na naging daan para maging kumportable siya?

“Siguro kasi, okay naman sila. Ano, e, tao lang din. Kumbaga hindi mo masisisi. Hindi mo rin naman mapipilit na magpaka-lalaki siya kasi, doon siya masaya, e. Kumbaga, nilagay ko na lang ang sarili ko na dito masaya ko.

“Masaya ko sa ginagawa ko at siguro sila, masaya sila sa ganoon. Kasi, hindi mo naman maiintindihan ang tao unless ikaw ang taong yun. Mas naging at-ease ako. At so far, yung mga naging kaibigan ko naman sa showbiz na gays, okay naman silang nakikisama, hindi naman sila nambabastos. Minsan tingin pa nila sa akin anak.”


Sa ngayon, wala pa raw siyang alam na susunod niyang proyekto sa GMA-7 pagkatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw.

Hindi naman daw siya naiinip.

“Kakatapos lang ng Paraiso… at siguro, darating din ang time na mapapahinga ka ng matagal, so, sa akin okay lang. Kung may dumating, okay lang, hindi naman ako atat, e.”

Hindi siya kabado na baka maapektuhan ang susunod niyang proyekto at baka matagalan dahil sa sinasabing na-cut short agad ang pinagbidahan nilang panghapong serye ni Kim Rodriguez.

Sabi naman ni Kristoffer, “Siguro isa yun sa aware na ko dahil natapos nga ng maaga ang Paraiso. Baka mapahinga ko. Pero sa akin, hindi na siya big deal. Dumarating yung ganyang point, hindi naman porke’t ano, magbu-boom agad.

“Siguro sa akin, baka matagal lang although nandiyan na ang mga lead roles. Ang sa akin kasi, mabigyan lang ng justice ang role at ma-appreciate ng mga taong manonood. Ang sa akin, hindi na importante ang rating. Kung sino ang nanonood, sana ma-appreciate.”


Sa pagiging “tween" star unang nakilala si Kristoffer.

Pero yung grupo nila ng tweens, tila hindi na sila masyadong nakikita o napapanood na magkakasama.

May panghihinayang ba sa kanya na parang naputol ang grupo nila?

“Doon din ako parang, sayang… malakas kami noong pinagsasama, noong hiniwalay kami, parang may tumataas, may bumababa. May tumataas, may bumababa. Kumbaga siguro, hindi pa ganun. Kumbaga, kinakagat na, nagkakaroon na ng following ang tweens, malakas na, e, hindi na-sustain. Hindi naalagaan. Siguro naging kampante na hiwa-hiwalay na kayo.

“Lahat kami nanghihinayang. Sayang bakit binuwag.”


Nang lumipat si Kristoffer sa GMA-7, ang naging una niyang kapareha ay si Kathryn Bernardo bilang mga batang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Endless Love.

Bumalik nga lang si Kathryn sa ABS-CBN.

Kapag nakikita niya ito ngayon, ano ang nararamdaman niya?

“Sobrang laki ng pinagbago in terms of physical, pero, pagdating sa pagiging magkaibigan, magkaibigan, magkakilala pa rin naman kami.”

Naging friends ba sila?

“Naging friends kami, oo. Tuwing nagkikita naman kami, nagbabatian naman kami. Minsan nagkukuwentuhan kami.”

Pero, hindi siya naimbitahan noong debut nito?

“Hindi, pero, ayoko namang gawing isyu yun. Siguro, ang inimbitahan naman nila mga Star Magic o kung meron man sa ibang network, mga big stars na nakasama ni Kathryn. Siguro yun ang kaya nilang i-accommodate. Pero, hindi ko na siya gagawing issue kasi for me, kung gusto ka naman ng taong imbitahin, iimbitahin ka.”

Kung sakali at mabigyan ng pagkakataon na magtambal silang muli, gusto niya?

“Kung mabibigyan ng chance na magka-trabaho kaming muli, siguro, possible na lang movie lang, oo naman, gusto-gusto. Siyempre, may nabuo rin namang friendship sa Endless Love pero yun nga, hindi lang na-sustain kasi, nag-stay siya sa ABS-CBN.”



ON JOYCE CHING. In real life, ang Kapuso star na si Joyce Ching ang nakilala ng taong naging karelasyon niya.

Kumusta na silang dalawa ngayon?

“Okay naman kami, we’re trying to work things out not having a commitment. Parang ang hirap lang na from lovers kayo, from serious lovers kayo, then, naging ex kayo, magkakaibigan, kumbaga, hindi niyo alam kung saan kayo lulugar, kumbaga, nandiyan pa rin ang love, e.”

Ang estado nila ngayon?

“Magulo pa rin. Magulo pa rin in terms of feelings. Pero, magkaibigan, okay.”

Hindi ba niya alam kung ano talaga ang nararadaman niya?

“Alam ko,” nakangiting sabi niya.

Ano ang nararamdaman niya?

“Sa akin na yun,” saad niya.

Si Joyce, alam niya ang nararamdaman nito?

“Yun ang hindi, yun ang hindi ko alam.”

Bakit hindi sila mag-usap?

“Kasi mahirap. Baka kapag naging open na naman sa isa’t-isa, magtuloy-tuloy na naman. Kumbaga, ayaw namin ng pabigla-bigla. Ayaw namin ng kumbaga, hindi nag-iisip, e.”

Nagkasama na sila sa Paraiso Ko’y Ikaw. Hindi pa rin sila nag-usap tungkol sa mga nararamdaman nila?

“Ang masasabi ko, noong magkasama kami sa soap, palagi kaming magka-usap, palagi kaming masaya. Pero, hindi namin ino-open.”

Alam naman niya sa sarili niyang siya ang dapat magsimula ng usap?

“Siguro, hindi ko masasabi kung dapat ba na lalaki—kasi, in terms of feelings, it’s a give and take. Magulo talaga. Galing na kayo sa open na kayo. Siyempre, dapat mawala ang ilang. Sa akin kasi, kaya naghe-hesitate ako na mag-open, baka hindi niya tanggapin. Baka magkaroon ng awkwardness sa conversation.

Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin ba niyang magkabalikan na lang sila ni Joyce o gusto naman niyang sumubok ng iba?

“Siguro kasi sa ngayon, wala pa sa utak ko ang ganyan. Aaminin ko, may kinikilala ako ngayon, lumalabas-labas, non-showbiz. Pero, doon naman sa set-up namin, malinaw na ayaw ko ng commitment.

“Kasi, mahirap din baka ang maging dating rebound, ‘di ba?”

Schoolmate niya ang non-showbiz girl na nakaka-date niya ngayon.

Alam ni Joyce ang bagay na yun?

“Oo, alam niya,” saad naman ni Kristoffer.

Ano ang sabi ni Joyce?

“Sa amin na yun,” nakangiting sabi niya.

Si Joyce, meron na rin ba na nakaka-date na iba?

“Ay, hindi ko alam…”

Kung meron, okay lang ba kay Kristoffer?

“Siyempre, ayoko naman—paano kung may ibang tao pala na destine para sa kanya. Kailangan pala niyang mag-explore man lang. Kumbaga sa akin, kung sino ang taong magpapasaya sa kanya kasi, yung worth ni Joyce, alam na alam ko. Sobrang bina-value ko.

“Kapag alam kong deserving naman ang lalaking yun, why not,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
kristoffer martin
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristoffer Martin (in both photos) initially hesitated to portray a gay character for Magpakailanman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results