James Reid hits back at bashers of his Idol Philippines stint

by Arniel C. Serato
Mar 5, 2019
James Reid says ABS-CBN and Idol management see talent in him that's why they picked him as judge in Idol Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal

Binatikos ng maraming netizens ang pagkakapili nina James Reid at Moira dela Toree bilang judges sa Search for the Idol Philippines ng ABS-CBN.

Opinyon ng ilan, mas marami pang hinog at batikang mang-aawit na nararapat maging hurado sa nasabing singing contest.

Sa TV Patrol kagabi, March 4, bumuwelta si James sa mga bumabatikos sa kanyang pagkakapili bilang hurado sa upcoming singing search ng Kapamilya Network.

Sabi ng actor-singer, “I don’t wanna look at the comments, I had my own insecurities before becoming a judge of Idol Philippines.”

Ayon pa sa kanya, ang ABS-CBN management at ang foreign franchise holder ng contest ang pumili sa kanya at, sa tingin niya, baka nakitaan siya ng talent ng mga ito.

“They got me for a reason, because I made it on my own area, my own field in showbiz industry.

“They see talent in me so… I have my own opinion and you’re entitled to your own opinion.”

Continue reading below ↓

Bukod kina James at Moira, kabilang din sa judges ng Idol Philippines ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda.

Si Billy Crawford ang magiging host ng palabas.

Ang Search for the Idol Philippines ng ABS-CBN ay pangatlong franchise na sa bansa.

Una itong naipalabas sa ABC-5 (TV5 na ngayon) noong 2006 kung saan si Mau Marcelo ang itinanghal na grand winner.

Noong 2008, nakuha naman ng GMA-7 ang franchise nito ng GMA at ginawang Pinoy Idol.

Si Gretchen Espina ang naging grand winner ng Kapuso singing contest.

Read Next
Read More Stories About
James Reid, idol philippines
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid says ABS-CBN and Idol management see talent in him that's why they picked him as judge in Idol Philippines.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results