Lito Lapid says he still favors showbiz over politics

by Rose Garcia
Mar 8, 2019
Lito Lapid: "Kung hindi rin dahil sa showbiz, hindi rin siguro ako magiging senador dahil nakilala rin ako sa showbiz."
PHOTO/S: Rose Garcia

Idiniin ni Lito Lapid na mas mahal pa rin niya ang showbiz kaysa pulitika, sa kabila ng muli niyang paghangad ng isa sa dose lamang na mababakanteng upuan sa Senado.

Hindi,” mabilis niyang tanggi sa hinuhang mas lamang ang tawag ng pulitika kaysa pag-aartista.

Lamang pa rin sa akin ang showbiz. Kaya lang, heto, pulitika.

"Pero sa showbiz, dito ko binuhay ang pamilya ko, pati ang apo ko.

"At saka, dahil hindi ako nakapag-aral, siguro hindi ako makikilala kung hindi ako nag-stuntman, nag-artista.

Kung hindi rin dahil sa showbiz, hindi rin siguro ako magiging senador dahil nakilala rin ako sa showbiz.”

Muling nagbabaka-sakali ang action star at dating senador na sa ikatlong pagkakataon ay maihalal siya sa Senado.

Hindi nabigo ang aktor sa naunang dalawang beses niyang pagtakbo, at nakadalawang termino na ito, o anim na taon sa Senado.

Ayon pa kay Lito, may pelikula sana siyang ipalalabas noong January kaya lang ay hindi natuloy.

Continue reading below ↓

Noong senador ako noon, ginawa ko rin naman ang teleserye na Little Champ,” pag-alala niya sa teleseryeng ginawa noong 2013 habang nanunungkulan bilang mambabatas.

Meron din siyang ginawang pelikula na hindi pa ipinapalabas, ang Lumang Bakal, pero tentative pa raw ang title na ito at parang gusto niyang palitan ng Vendetta.

Ayon kay Lito, maihahalintulad ito sa Hollywood movie ni Liam Neeson.

Aniya, “Parang Taken ang kuwento niya. Retired military na ako, so parang Taken din.

"May edad na action star, parang ganun din ako, parehong-pareho.

"Pero after election na siguro maipapalabas."

Ipinagmamalaki ni Lito na sa dalawang termino niya, mahigit 600 na panukalang batas daw ang naisumite niya, bagamat hindi na naidetalye ni Lito kung ilan dito ang naipasa at naisabatas.

Ayon dito, "Lumabas sa mga senador na pang-anim ako sa nagka-panukalang batas na naipasok doon. Hindi naman tayo nasa ibaba."

Binigyan naman niya ng credit ang kanyang mga nakatulong sa Senado, ang kanyang staff members.

Continue reading below ↓

Aniya, “Masisipag din naman kasi ang mga staff ko, puro abogado rin naman sila.

“Nagtatanungan lang kami and kung minsan, marami rin ang nagre-request galing sa probinsiya na, 'Ganito pong batas ang kailangan namin,' kinukuha namin ang idea.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang action star at dating senador noong February 20, sa Annabel’s Restaurant, Quezon City.

LITO LAPID ADMITS TV EXPOSURE AN ADVANTAGE

Bago nagdesisyon si Lito na pasukin ulit ang pulitika, napanood muna siya sa long-running prime-time series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

Marami ang nagsasabing malaki ang nagawa ng exposure na ito kaya lumitaw ang pangalan niya sa mga survey, katunayan ay may stickers pang nakadikit sa iba't ibang lugar na nagtataglay ng kanyang mukha, ang palabas na pinagbibidahan ni Coco Martin, at ang naging role ni Lito rito kaya marahil lumakas ang recall niya sa mga na-survey.

Aminado naman ang two-time senator na malaki ang naitulong ng pagkakasali niya sa Ang Probinsyano kaya pati millennials ay kilala na siya at tinatawag na "Pinuno," na karakter niya sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Malaki po,” sabi niya.

Naibalik po yung action ko, since matagal nang hindi nakakakita ng action katulad ni Lito Lapid, FPJ—dahil wala na si FPJ.

"Parang nagustuhan naman po ng ating mga kababayan ang pagka-Lito Lapid, Leon Gurrero noong araw.

“'Tapos, nakita po nila ulit yung pagbunot ko ng baril, pangangabayo.”

COCO MARTIN AS FAMILY

Naging sobrang malapit sa mag-amang Lito at Mark Lapid si Coco.

Sobra po, parang anak ko na rin po siyang bunso,” pag-acknowledge ni Lito sa Kapamilya star.

Sa pamilya namin, siya ang bunso at ang panganay ko ay si Mark Lapid.

"Tinutulungan niya rin ho ako dahil kumbaga sa sasakyan, medyo na-stuck na rin ako.

Siya, mga bagong techniques.

Siya kasi ang nagdi-direct. Batang-bata siya pero napakagaling.”

Sabi pa niya tungkol kay Coco, “On the spot kasi nagbibigay siya ng dialogue na ganito ang sasabihin mo. Noon lang ako nakakita ng ganung director.”

May birong tanong kay Lito kung nami-miss ba nito si Angel Aquino, na gumanap bilang asawa niya sa show.

Continue reading below ↓

Siyempre naman!” natawang sagot niya.

Actually, lahat naman sila nami-miss ko. Magkakapatid kaming lahat dun.”

FROM PINUNO ON TV TO SENATOR

Naging mahirap daw talaga ang huling araw ng taping niya sa Ang Probinsyano.

Lahad ni Lito, “Medyo mahirap kaya nga na-extend ang TV Patrol nun.

"Medyo na-extend ng twenty minutes kasi last day ko na, last showing na ng Probinsyano sa exposure ko at kailangan, hanggang doon na lang ako ng gabing yun.

Kailangang tapusin, mga alas-singko, nagsu-shooting pa kami. Hindi kasi puwedeng kinabukasan nandoon pa dahil bawal na sa Comelec.”

Dahil sa pagiging malapit sa kanya ni Coco at iba pang cast ng Ang Probinsyano, posible bang ipangampanya siya ng mga ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas?

Hindi ko naman sila ini-invite,” saad niya.

Bahala sila kung magbo-volunteer... Inaano naman nila ako na 'Good luck, kung kailangan mo kami, nandito lang kami.'”

Sabi pa niya, “Si Coco naman, hindi ko iniimbita.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, alam ko naman na may kusa ang taong yun at alam ko naman na matulungin, siyempre ayoko naman na manggaling sa akin.

Alam ko naman na maraming gustong magpa-endorse sa kanya, baka makaharang pa ako.

"Alam ko naman na kapag humingi ako sa kanya, pagbibigyan niya ako at hindi ko sinasamantala yung ganun."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lito Lapid: "Kung hindi rin dahil sa showbiz, hindi rin siguro ako magiging senador dahil nakilala rin ako sa showbiz."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results