Si James Blanco ang gumaganap na asawa ni Diana Zubiri sa bagong GMA-7 teleserye na Dragon Lady.
“Ah oo naman, bago naman, bago naman,” ang sagot sa amin ni James nang tanungin kung mabait ba ang papel niya sa Dragon Lady.
Ang karakter niya na si Bryan Atienza ay asawa ni Almira Sanchez (played by Diana).
Siya ba ang tatay ni Janine Gutierrez bilang bidang si Celestina Sanchez?
“Basta maganda yung twist nito, so ang ganda rin nung story kasi ni Bryan, ano ako dito ni Diana, nung bata ako mahal na mahal ko siya tapos wala siyang…”
Si Kristoffer Martin ang young James Blanco at si Bea Binene naman ang young Diana.
Unang beses ito na gaganap silang mag-asawa ni Diana sa isang proyekto.
Bago ang Dragon Lady ay puro guestings ang pinagkaabalahan ni James.
“Kasi ang akala ng GMA nasa ABS naman ako. Kasi, di ba, nanalo ako ng award sa MMK, so ang akala ng GMA naka-contract ako sa [ABS-CBN].”
Ang akala ba ng GMA-7 ay nasa ABS-CBN si James kaya hindi siya mabigyan ng show?
“Yes, kaya hindi ako mabigyan ng show, coz everytime, sinasabi nila, ‘James, akala namin nasa kabila ka.’
"[Sabi ko,] ‘Hindi, wala akong [contract].' Kasi ngayon tinanggal na kasi yung ano ng sa kabila, kasi may rule sila na parang three-month rule na hindi ka puwedeng mag-guest na dire-diretso, wala na.
“E, almost every month…once a month nagkakaroon ako ng ano sa kabila, so yun.”
Sa GMA-7, ano ang huli niyang regular series?
“Huli kong regular sa GMA is Yagit, ni Yasmien [Kurdi]. Tagal na. Tapos after nun puro guestings na.
"Sunod yung Marimar, pumasok ako dun gitna na, tapos sumunod pala muna The Millionaire’s Wife, tapos yung Impostora tapos Onanay. ”
ON MEMORABLE MMK STINT
First acting award ni James ang Best Actor In A Single Performance na tinanggap niya mula sa Star Awards For TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) in October 2018 para sa Maalaala Mo Kaya.
"Oo, sobrang hindi ko…
"Alam mo ba, nung tinanggap ko yung award na yun para akong mahihimatay, yun pala yung feeling na makakalimutan mo lahat ng tao."
Hindi niya iyon expected.
Marami ang humanga sa role ni James sa naturang MMK episode bilang isang amang addict sa droga.
“Talaga? Pero alam mo sobrang nagpapasalamat ako sa direktor namin, kay Direk Nuel Naval, kasi sabi ko, ‘Direk, pasensiya ka na, kasi ayoko namang maging overacting.’
"Kasi never akong naka-take ng drugs, e, never akong nakatikim ng kahit anong drugs. Yun lang ang maipagmamalaki ko sa sarili ko.'
“So kumuha sila ng psychiatrist, kasi may stages kasi yung role ko na yun, yung character ko na yun, ten times na siyang na-rehab.”
ON GETTING OFFERS TO USE DRUGS
Noon raw ay may nag-offer kay James na gumamit ng drugs.
“Oo, pero kasi…”
Artista ba ang nag-offer noon sa kanya na subukan ang drugs?
“Merong mga artista, pero napapahiya sila sa akin.”
Ayaw nang banggitin ni James ang pangalan kung sino ang mga ito.
Paano niya tinatanggihan ang mga ito?
“Kasi ako ever since kahit nung bata pa ako, yung health ko talaga ang ano ako, yung health ko talaga...
"Ako sa akin maging kaibigan tayo pero ‘wag ninyo akong ilalagay sa isang bagay na hindi ko gusto, kasi mag-aaway tayo.”
Hindi naman sila na-offend nung tumanggi siya?
“Hindi, kasi ang pakikisama kasi sa akin hindi mo ilalagay yung isang tao para ilagay na magkaroon siya ng bisyo, e.
“Ako, yung mga taong may bisyo ako yung naghihikayat sa kanila na sumama sa akin. Ngayon napagbabago ko yung mga tao.”
Isa si James sa mga artista na never pang tumikim ng droga.
“Oo, yun ang maipagmamalaki ko!
“Sabi ko sa mga anak ko yun ang maipagmamalaki ko, never akong tumikim ng any kind of drugs. Inom, umiinom ako.”
Nakapanayam namin si James sa mediacon ng Dragon Lady kamakailan sa Shangri-la Finest Chinese Cuisine Restaurant sa Quezon City.
Nasa Dragon Lady si Tom Rodriguez bilang si Michael Chan at kasama rin si Rafael Rosell na may special participation bilang si Matthew Chan, ang responsible older brother ni Michael.
Bida rin si Edgar Allan Guzman as Goldwyn Chen, isang business tycoon mula sa isang mayaman na Chinese family na pinagdududahan ang capability ni Celestina na magpatakbo ng isang business.
Nasa cast rin sina Joyce Ching as Astrid Chua; Derrick Monasterio as young Charles Chua; at Kristoffer Martin as young Bryan.
Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, ang Dragon Lady ay tampok rin sina Maricar de Mesa bilang Vera Lim-Chua; Edgar Allan Guzman as Goldwyn Chen; Odette Khan as Doray; Dexter Doria as Philippa Chua; Lovely Abella as Ginger Garcia; at Julie Lee as Lotus.
May special participation sina Isabelle de Leon bilang young Vera, Denise Barbacena bilang young Ginger; Mosang bilang young Doray; at Carlene Agulilar bilang young Philippa.