Barbie Imperial accused of being petty, chasing after guys

by Rachelle Siazon
Mar 8, 2019
Barbie Imperial clarifies she's just trying to be funny when she tweeted about the usual palusot of someone who's caught having a third party.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram

Isang netizen ang bumatikos kay Barbie Imperial, 20, at nagsabing tigilan na ng aktres ang umano'y paghahabol sa mga lalaki.

Base ito sa tweet ng isang netizen na kumuwestiyon kung bakit ang hilig daw ni Barbie magpatama at magmalaking hindi niya kawalan ang lalaking aayaw sa kanya.

Sabi ng netizen na may Twitter handle na @xjdln:

"barbie needs to chill about being in a relationship i swear every time someone retweets her tweets it’s always something petty towards guys she dealt with like girl, focus on your damn career & stop subtweeting guys and basically chasing after them lol nakakahiya."

Dagdag na komento ng netizen: "like even in vlogs ive seen her in, she’s always trying to 'patama' to someone about being better off without them or just saying petty things like she’s better than them & their next girlfriend like hun, it doesn’t make you look like a bad [b**ch]"

Continue reading below ↓

Tila nag-ugat ito sa tweet ni Barbie kahapon, March 7, tungkol sa isang palusot kapag nahuhuling may third party ang isang taong may karelasyon.

Walang sinumang binanggit si Barbie sa kanyang tweet, maliban sa pahayag na ito:

Sa sumunod na Twitter post ni Barbie ngayong Biyernes, March 8, direkta niyang sinagot ang netizen na bumatikos sa umano'y hindi magandang pag-uugali ng aktres.

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Barbie na wala siyang partikular na pinatatamaan sa kanyang naunang tweet.

Paliwanag ng Kapamilya actress: "You also need to chill. I’m not in a relationship. I’m just joking around and tryna make people laugh with my 'jokes.'"

Sa showbiz, ang kilalang ex-boyfriends ni Barbie Imperial ay sina Paul Salas at Hashtag Ryle Santiago.

Continue reading below ↓

Kontrobersiyal ang naging hiwalayan nina Barbie at Paul noong July 2018, pero makalipas ang ilang buwan ay parehong naghayag ang dalawa na wala na silang sama ng loob sa isa't isa.

Naugnay rin si Barbie kay JM de Guzman, leading man niya sa defunct ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi.

Pero hindi kailanman opisyal na kinumpirma nina Barbie at JM kung naging magkarelasyon sila sa tunay na buhay.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial clarifies she's just trying to be funny when she tweeted about the usual palusot of someone who's caught having a third party.
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results