Angelica Panganiban posts scathing message for mystery woman

by Bernie V. Franco
Mar 9, 2019
Angelica Panganiban calls out a mystery woman who is allegedly smudging the actress' reputation. "Wag na wag kang magsasalita ng masakit laban sa ibang tao. Lalong lalo na sa kababaihan. Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Maaanghang na salita ang pinakawalan ni Angelica Panganiban, 32, tungkol sa isang taong nagngangalang “Margaux.”

Matapang at prangka ang mensahe ng Kapamilya actress na ipinost niya sa kanyang Instagram Story ngayong Sabado ng hapon, March 9.

Base sa statement ni Angelica, tila may paninirang ginawa si “Margaux” laban sa aktres dahil sa kanyang nakaraan.

Payo ni Angelica sa misteryosong babae, “Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa.

“Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang pinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sayo.

“Hindi kita kapamilya, o kaibigan, pero kahit minsan, hindi kita binastos, o kahit na sino sa inyong nagmamahal sa kanya.”

Hindi pinangalanan ni Angelica kung sino ang pinatutukuyan niyang "kanya" sa huling bahagi ng kanyang post.

Continue reading below ↓

Pero sa Instagram accounts ng mga fans ng aktres, tinukoy nila ang pinanggagalingan ng aktres tungkol sa kanyang post.

May isang netizen ang nagtanong kung sino si “Margaux.”

Sagot ng isa pa, fan daw ito ni “C.” Hindi naman tinukoy ng netizen kung sino si “C.”

Isa pang supporter ni Angel na nagkomento ang nagbanggit ng pangalan ng aktor na si Carlo Aquino.

Inudyok ng netizen na suportahan nila si Angel at huwag si Carlo.

May pahapyaw na paliwanag ang isa pang netizen kung bakit daw nagalit si Angelica.

May mga sinabi umanong salita si "Margaux" na mapanira laban sa aktres.

Sabi ng netizen, “tawagin ba naman si Angel nang name names that’s not right diba…”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

WHO IS MARGAUX?

Samantala, may mga supporters naman ni Angelica na tumukoy sa pagkatao ni Margaux.

Ilan sa kanila ang nagsabing si Margaux daw ay dating fan umano ni Carlo, na kalaunan ay naging “kaibigan” at “kumare” raw ng aktor.

Malinaw na ang gusto nilang ipahayag ay tagasuporta umano ni Carlo si Margaux.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Noong January, nagkaroon ng mga tweets si Angelica bilang patama sa mga fans ni Carlo dahil bina-bash nila ang aktres.

Sina Carlo at Angelica ay dating magkasintahan at bago matapos ang 2018, muling nabuhay ang kanilang tambalan at gumawa ng mga proyektong magkasama.

Subalit hindi lahat ng mga fans ni Carlo ay pumabor dito at binabatikos si Angelica sa pagpu-post niya tungkol kay Carlo, dahil “nadedehado” raw ang aktor.

In-unfollow ni Angelica si Carlo sa Twitter at inanunsiyong iiwas siya sa aktor.

Pero pagdating ng February, muling nag-post si Angelica at nagpapahiwatig na magkaibigan na silang muli ni Carlo.

Muling nabuhay ang pag-asa ng fans ng tambalan nina Carlo at Angelica, na umaasang magkakatuluyan ang dalawa.

Subalit tila naunsyami na naman ang pag-asa nilang ito nang kumalat sa social media ang mga larawan ni Carlo na may kasamang non-showbiz girl sa beach sa La Union noong February.

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, makahulugan din ang iba pang Instagram Story posts ni Angelica ngayong Sabado.

Continue reading below ↓

Post niya na isang quote: “Never apologize for being a powerful f*cking woman.”

Sa sumunod na post ay ibinahagi niya ang larawan ng Hollywood actor na si Will Smith kasama ang asawang si Jada Pinkett Smith.

Kalakip ng larawan ang statement ni Will na “I’ve learned to take pleasure in nourishing your dreams rather than wrestling with you to fulfill myself needs and insecurities.”

Reaksyon naman ni Angelica: “Nasaan na ang Will Smith ng buhay ko??!!

“But then again, im a strong independent woman and I don’t need you.”

Continue reading below ↓

Kaugnay ng isyung ito, bukas ang PEP.ph sa panig ng mga sangkot sa isyu, partikular na si Carlo na pinangalanan ng mga netizens.

Ilalathala namin agad ang panig ng aktor sa oras na magbigay siya ng reaksyon.

Read Next
Read More Stories About
Angelica Panganiban
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban calls out a mystery woman who is allegedly smudging the actress' reputation. "Wag na wag kang magsasalita ng masakit laban sa ibang tao. Lalong lalo na sa kababaihan. Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results