Maine Mendoza quashes fabricated Facebook post saying she has the "worst fandom ever"

by James Patrick Anarcon
Mar 10, 2019
Maine Mendoza disputes netizen claiming that she has a post saying, "Got the worst fandom ever," while using the name Gil Quilong on Facebook.
PHOTO/S: @mainedcm on Twitter

Sinagot ni Maine Mendoza ang isang netizen na nag-screenshot ng isang post galing sa diumano'y private Facebook account ni Maine.

Sa Twitter post ni @CindyHarvard noong March 4, makikita ang screenshot ng isang post ng Facebook account na nagngangalang "Gil Quilong."

Sabi ni Gil sa nasabing post: "Got the worst fandom ever [cactus emoji]"

Makikita rin sa screenshot na sumagot sa post ni Gil sina Pat Plaza at Shielamarie Macariola-Ilacad.

Si Pat ay isa sa assistant directors ng Eat Bulaga!, habang si Shiela naman ay ang assistant vice president for Production-Studio Operation ng TAPE, Inc.

Ayon sa netizen, Gil Quilong daw ang ginagamit na pangalan ni Maine para sa kanyang private Facebook page.

Sabi nito sa kanyang tweet, "Because we in ADN has that Resibo Policy. Here you go. If you are a real ADN fan or a Mulat you will know that it is her FB private page. Don't us. #ADNLastsForever"

Continue reading below ↓

Hindi naka-tag si Maine o kahit na sinong netizen sa Twitter post.

Noong Huwebes, March 7, ay pinabulaanan ni Maine ang tweet ng netizen.

Ayon kay Maine, edited ang Facebook post na ginagamit na "resibo" ng bashers laban sa kanya.

Reply ni Maine kay @CindyHarvard: "Lol bakit ba ang hilig niyo mag edit ng 'resibo'? Damay niyo pa si Patchypie at Mam Sheila. 'Don’t us' din ho."

Continue reading below ↓

Nai-post ang sinasabing edited Facebook post ni Gil Quilong isang araw matapos aminin ni Maine sa kanyang blog na nagdi-date sila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Magkakahalo ang naging reaksiyon ng fans sa pag-amin ni Maine, lalo na sa fans club niya at ng ka-love team niyang si Alden Richards.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES:

Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde

Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline

Maine Mendoza quashes false stories about her and Alden Richards

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza disputes netizen claiming that she has a post saying, "Got the worst fandom ever," while using the name Gil Quilong on Facebook.
PHOTO/S: @mainedcm on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results