JM de Guzman recounts Chokoleit's last moments

by James Patrick Anarcon
Mar 10, 2019
JM de Guzman (left) witnessed how Chokoleit (right) did his best to push through with his performance before his untimely death.
PHOTO/S: @1migueldeguzman / @hot_chokoleit on Instagram

Isa si JM de Guzman sa mga nakasama ni Chokoleit sa mga huling sandali nito bago ang kanyang biglaang pagpanaw kagabi, Sabado, March 9.

Ayon sa mga balitang nailathala kaninang madaling-araw, March 10, nakaranas si Chokoleit ng paninikip ng dibdib pagkatapos nitong mag-perform sa isang out-of-town show sa Abra.

Nakasaad sa report ng ABS-CBN News na pulmonary edema at heart attack ang ikinamatay ni Chokoleit, ayon sa attending physician nitong si Dr. Rosauro Seares.

Kasama rin si JM sa mga nag-perform sa nasabing show kaya nagkasama sila ni Chokoleit.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay JM ngayong Linggo, kinuwento ng aktor na mabigat na ang pakiramdam ni Chokoleit nang dumating ito.

Aniya, "Noong dumating siya, parang medyo mabigat na yung aura niya.

"Parang may dinadala, not his usual self na parang jolly.

"So, inisip ko baka pagod lang."

Hindi raw napanood ni JM ang performance ni Chokoleit, subalit dinig daw nilang mga nasa backstage ang ginawang pag-e-entertain ng komedyante sa mga manonood, sa kabila ng iniinda nito.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "Malaki yung stage. In-effort niya na ma-ignite yung audience.

"Naririnig namin yung sigawan ng mga tao. He was doing his very best."

Pagkatapos daw ng performance ay isinugod na si Chokoleit sa ospital.

Pumunta rin daw sina Pops Fernandez at Coleen Garcia sa ospital, na kasama rin nila sa show.

Patuloy ni JM, "Positive pa ako nun na baka fatigue lang or whatever.

"'Tapos, pumunta na sila Miss Pops, sila Coleen.

"After noong performance ko, pagbabang-pagbaba ko ng stage, medyo tahimik nga.

"Pagpasok ko sa van, binalita na sa akin ng road manager ko na hindi na siya na-revive.

"I feel down pero, at the same time, I know he’s in a happy place.

"Marami siyang napasayang tao, isa na rin ako doon. He will be missed."

STAR MAGIC RELEASES OFFICIAL STATEMENT

Samantala, nagpadala rin ng official statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic ngayong hapon tungkol sa pagkamatay ni Chokoleit.

Continue reading below ↓

Ang Star Magic ang siyang namamahala sa career ng 48-year-old comedian.

Narito ang kabuuan ng statement:

"Star Magic extends its deepest sympathies to the family and loved ones on the sudden passing of our Kapamilya, Jonathan Aguilar Garcia also known as Chokoleit.

"We request everyone to pray for the eternal repose of his soul and for the family he left behind. Thank you."

RELATED STORIES:

Comedian Chokoleit dies at 46

Vice Ganda, Paulo Avelino, Maymay Entrata, other celebs mourn Chokoleit's death

Claudine, Ai-Ai, Pokwang, other celebs grieve over Chokoleit's death

Chokoleit's last words a premonition

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman (left) witnessed how Chokoleit (right) did his best to push through with his performance before his untimely death.
PHOTO/S: @1migueldeguzman / @hot_chokoleit on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results