Darren Espanto tells fans to stop threatening Jayda Avanzado

by Rachelle Siazon
Mar 11, 2019
Darren Espanto defends Jayda Avanzado from his fans who are reportedly bashing Jayda Avanzado.
PHOTO/S: @darrenespanto / @jayda Instagram

Nagsalita na si Darren Espanto, 17, sa matinding pambabatikos na natatamo ng kanyang kapwa Star Magic artist na si Jayda Avanzado, 15.

Noong Huwebes, March 7, mismong ina ni Jayda na si Jessa Zaragoza ang umalma sa pagbitiw ng masasamang salita ng isang natukoy na fan ni Darren laban sa kanyang anak.

Sa pakikipagpalitan ng tweets ng naturang fan sa isang kaibigan nito, inakusahan nilang ginagaya ni Jayda ang ex-Pinoy Big Brother teen housemate at singer na si Ylona Garcia.

Umabot sa puntong nag-tweet ang kinilalang Darrenatics fan na "kill that girl" laban kay Jayda—na naging sanhi upang mag-alala nang husto ang mag-asawang Jessa at Dingdong Avanzado para sa kanilang anak.

Inako naman ni Darren ang pagkondena sa mga netizen na nanakot at naninira kay Jayda.

Tweet ni Darren, noong Sabado, March 9: "Please RESPECT JAYDA and STOP THE HATE."

Agad na nagpasalamat ang ama ni Jayda na si Dingdong sa pagtatanggol ni Darren sa anak ng veteran singer.

Continue reading below ↓

Ang reply ni Dingdong sa tweet ni Darren: "Thank you for being a true friend to your actions really show what you are really made of.

"Your parents raised you well.

"You have set a good example for others especially your generation to emulate."

Sina Darren at Jayda ay kilalang magkaibigan at minsan na ring hinangaan nang sila ay mag-duet para sa sarili nilang bersiyon ng "Rewrite The Stars," na sumikat sa hit musical movie na The Greatest Showman.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto defends Jayda Avanzado from his fans who are reportedly bashing Jayda Avanzado.
PHOTO/S: @darrenespanto / @jayda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results