Jessy Mendiola on boyfriend-stealer allegation: "Bakit ako aamin ng hindi totoo?"

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2019
Jessy Mendiola answers netizens on past issue that she allegedly was a third party to the Luis Manzano-Angel Locsin breakup. Jessy says she addressed this issue before but bashers choose not to believe her.
PHOTO/S: Mark Atienza

Sinagot muli ni Jessy Mendiola, 26, ang akusasyong nang-agaw diumano siya ng boyfriend.

Nagsimula ito nang magkomento sa Instagram post ng aktres kamakailan ang isang netizen na binanggit ang paksa tungkol sa kasalukuyang relasyon ni Jessy.

Nagbigay ng payo ang netizen kay Jessy pagdating sa relasyon nila ni Luis Manznao, 37, dahil daw may bashers na iniintriga ang kanilang pagsasama.

Komento ng netizen: “Bka expected ng basher you will admit to them na inagaw mo si LUIS kay Angel before para matahimk na sila sa pamba-bash sa Inyo…

"ang tao minsan Hindi satisfied sa mga ganyang sagot sa mga patutchada nila, isang malaking sagot bigay mo sa kanla at nasa tao na if maniniwala or Hindi pero in the end matahimik na sila ksi may closure na e..”

Ang "Angel" na tinutukoy ng netizen ay ang dating girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Sumagot si Jessy at sinabing hindi siya aaminin sa akusasyong hindi totoo, para lamang sa ikaliligaya ng bashers.

Continue reading below ↓

Buong sagot ni Jessy: “bakit ako aamin ng hindi totoo?

"yung mga basher hindi nila alam ang totoong nangyari.

"Bakit ako aamin para lang tumigil sila? Para lang manahimik sila?

"Ang basher kahit anong sabihin mo hindi nila tatanggapin yun.

"Ilang beses ko nang sinagot sa mga interviews noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi.

"Kaya dapat ipasa Diyos nalang yan, nakikita naman niya ang lahat.

"Good vibes lang Aisha, let go mon a yang issue nay an. Happy na kaming lahat."

Continue reading below ↓

Muling sumagot ang netizen at sinabing alam niyang walang katotohanan ang akusasyong inagaw umano ni Jessy si Luis, kabaliktaran ng iniisip ng bashers.

Pinayuhan ni Jessy ang netizen na huwag pakinggan ang opinyon ng bashers.

“kaya hayaan mo nalang maniniwala sila sa gusto nilang paniwalaan kahit pa mali o hindi totoo. God bless you,” mensahe ng aktres.

Continue reading below ↓

Isang supporter ni Jessy ang nagkomento rin at sinabing hindi nila maiwasang hindi maapektuhan kapag bina-bash ang paborito nilang artista.

Sinagot ito ni Jessy at tiniyak sa netizen na kahit may namba-bash sa kanya, masaya na siya sa kanyang sitwasyon sa buhay.

Saad niya, “wag kang masaktan sa mga nababa mo. May mga tao lang din talaga kasing insensitive eh.

"Pero gusto kong malaman mo na ayos lang ako, masaya ako ngayon at nasa mas mabuting lugar. [heart emoji]

"Maraming Salamat sa suporta mo. Isa kayo sa rason kung bakit ako nakatayo ulit. Sana makilala kita isang araw [kiss emoji]"

Continue reading below ↓

HOW IT ALL STARTED

Inamin ni Jessy na nagsimula siyang ligawan ni Luis noong May 2016, at naging magkasintahan sila pagkatapos ng isang buwan.

Bago si Jessy, ang huling nakarelasyon ni Luis ay si Angel Locsin.

Pero may mga taong pinaratangan si Jessy ng pagiging third party at ahas.

Mariin naman itong itinanggi ni Jessy dahil alam daw niyang hiwalay na ang dalawa bago siya ligawan ni Luis.

January 2016 nang mapaulat ang paghihiwalay nina Luis at Angel pagkatapos nilang magkabalikan noong 2014.

Una silang naging magkasintahan noong 2007, subalit naghiwalay noong 2011.

Nagkaroon muli sila ng komunikasyon noong 2013 at nagkabalikan nga noong 2014.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola answers netizens on past issue that she allegedly was a third party to the Luis Manzano-Angel Locsin breakup. Jessy says she addressed this issue before but bashers choose not to believe her.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results