Darren Espanto speaks up about defending Jayda Avanzado against his fan

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2019
Darren Espanto: "If you’re going to say something on social media, be responsible naman."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jayda on Instagram

Kinunan ng pahayag si Darren Espanto sa ginawa niyang pagtatanggol kay Jayda Avanzado matapos makatanggap ng pagbabanta ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza mula sa isang fan ni Darren.

Umabot pa sa puntong nag-Facebook status si Jessa laban sa fan na pinagbantaan ang buhay ng kanyang nag-iisang anak.

March 9, Sabado, nag-tweet si Darren, 17, para ipagtanggol si Jayda, 15.

Nanawagan siyang irespeto ang kapwa young singer at itigil ang pamba-bash.

Sumagot si Dingdong at pinasalamatan si Darren sa ginawa nitong pagtatanggol kay Jayda.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Darren sa press conference ng The Aces, ang upcoming concert ni Darren, kasama sina Lani Misalucha at Jona, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa March 30, Sabado.

Dito ay nagsalita siya tungkol sa pagtatanggol niya kay Jayda.

Saad ni Darren, “Para po sa akin kasi, I guess, kahit sino naman pong magulang ay idedepensa ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

“And you know, Jayda’s a very good friend to me, and it’s really not right yung pag may naririnig kang hindi naman totoo sa isang tao, or yung mga sasabihan mo ng ‘Sana mamatay ka na,’ ganun.

"So, ayun po.”

Bukod sa pagkomento ng “kill her” laban kay Jayda, inakusahan din ng fan ni Darren si Jayda na ginagaya diumano si Ylona Garcia, dating Pinoy Big Brother teen housemate na singer-actress na ngayon.

DARREN: BE RESPONSIBLE

Tinanong ng PEP.ph si Darren kung may nais siyang ipaabot na mensahe sa kanyang fans pagdating sa ibang singers.

“Para po sa akin, if you’re going to say something—even if you’re my fan or not—if you’re going to say something on social media, be responsible naman.

“Just because hindi mo katapat yung tao doesn’t mean you have the right to say anything you want.

Continue reading below ↓

“Have discipline.

“Of course, sa lahat po ng tao na gumagamit ng social media platforms, have discipline in what you do [with] all these types of platforms po.”

Samantala, lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Darren sa kanyang fans na walang sawang sumusuporta sa kanya mula nang maging runner-up siya sa The Voice Kids noong 2014.

“Sobrang thankful po ako sa kanila, the Darrenatics are very solid and I’m just happy that our family just keeps on going.

“And siyempre po, wala rin po ako dito kung wala rin po silang sumusuporta sa akin, dumepedensa po sa akin parati.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto: "If you’re going to say something on social media, be responsible naman."
PHOTO/S: Noel Orsal / @jayda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results