Vice, Sweet, Pokwang, K pay respects to fellow comedian Chokoleit

by Jerry Olea
Mar 11, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

Siksikan ang mga uzi at kaibigan ni Chokoleit sa first night ng lamay niya nitong Marso 11, Lunes, sa isang punerarya sa Antipolo City.

Shout out ni John “Sweet” Lapus sa Facebook nitong Martes ng 1:39 A.M.: “Hello po friends from the press & mga anak. Wag nyo na po announce pls kung san ang burol. Maliit lang po ang funeraria. Mahirap na makuyog. Ty”

Sa tribute ng ASAP Natin ‘To noong Linggo, nakalagay na ang birthyear ni Chokoleit ay 1972.

Continue reading below ↓

Sa punerarya, ang birthdate niya ay Hunyo 25, 1970.

Ke 46 o 48 ang edad ni Chokoleit, isyu pa ba yun?!

Kuwento pa ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kanina, ako ang unang dumating sa magkakaibigan.

"Kasi nga, gusto kong i-double check yung...

“Well, bago naman ako natulog kagabi, nagbilin na ako sa mga tao sa make-up saka sa damit.

Continue reading below ↓

“Pagdating ko, chineck ko lang. Imbes na maiyak at ma-emote, natawa ako.

"Kasi yung mukha niya, medyo dumikit na sa salamin!

“Ay! Ano ba 'to?! Ang nasabi ko lang, ‘Ano ba ‘to? May pasalubong sa ilalim?’"

Patuloy niyang lahad, "Di ba, joke yun? May namatay na OFW. Yung anak niya, di makakauwi.

Continue reading below ↓

"So, yung bangkay na lang ang dinala sa Philippines, 'tapos isinabay na yung mga pasalubong. Nasa ilalim ng bangkay.

“Iyong rubber shoes, suut-suot. Iyong mga t-shirt, mga chocolate.

"Kaya noong binuksan yung ataul, nakadikit yung mukha ng bangkay sa salamin...

“Ganun siya kanina! So, talagang... hay!

"Apparently, mga foam-foam lang pala yun, pipitpitin lang nang konti para bumaba."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Sweet, “Binuksan din naman, kasi nga, pinaganda pa ni Mickey See ang make-up. Si Mickey See himself!

“Ang damit, of course, Bing Cristobal! Si Mama Bing ang laging nagdadamit sa kanya pag Star Magic Ball.

“So, Mama Bing made sure na siya ulit ang magdadamit for the last time.”

Ang unang litrato ni Chokoleit na naka-display ay naka-tape lamang sa likod.

Continue reading below ↓

Pinalitan iyon ng litratong gustung-gusto ni Chokoleit kung saan may korona siya at mukhang diosa.

Matagal na naging profile pic iyon ni Chokoleit sa socmed.

Mabigat ang frame ng nasabing litrato kaya hindi agad iyon naikabit.

Wala pang programa sa unang gabi ng lamay.

Pinagkasunduan pa lang ng magkakaibigan ay ang mga ganap sa huling gabi sa Kamaynilaan—sa Marso 14, Huwebes, ii-sponsor ng ABS-CBN Star Magic.

Continue reading below ↓

“Nandoon na ang eulogy, program and all,” pakli ni Sweet.

“Kasi, the next day, Friday morning, dadalhin na siya sa Davao."

Maliban kay Sweet, namataan ng PEP.ph sa unang gabi ng burol sina Vice Ganda (magiliw na pinagbigyan ang mga nag-request ng selfie at groufie), Pokwang at Lee O’Brien, K Brosas, Pooh, Shaina Magdayao, Agot Isidro, Ara Mina, Ogie Diaz, Atak and Lassy, Ryza Cenon, Teri Onor, Ryan Bang, Andrew de Real, at Lito de Guzman.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results