Lani Misalucha relates experiences with rude audience

by Bernie V. Franco
Mar 12, 2019
Asia's Nightingale Lani Misalucha relates that she experienced that while she is singing, people from the audience would shout Regine Velasquez's name. Recently, JK Labajo was caught on cam cursing and flashing a dirty finger on stage when someone from the audience shouted "I love you, Darren."
PHOTO/S: Noel Orsal

Naranasan na raw ni Lani Misalucha na kahit siya ang kumakanta sa stage, ang pangalan ni Regine Velasquez ang isinisigaw ng mga manonood.

Isa lang ito sa mga naranasan ng Asia’s Nightingale na pambabastos mula sa ilang miyembro ng audience sa kanyang mga performance.

“Oo, naman. Oo naman,” pagkumpirma ni Lani sa press conference ng The Aces, ang upcoming concert niya kasama sina Darren Espanto at Jona.

Ginanap ang presscon sa Dolcelatte Restaurant sa Quezon City, nitong March 11, Lunes.

“Na-experience ko naman talaga yun,” diin ni Lani tungkol sa pambabastos ng ilang miyembro ng audience.

Ano ang naging reaksiyon ni Lani nang isigaw ang pangalan ni Regine sa halip na pangalan niya?

“Wala. Ganun talaga, e!” natatawa niyang sagot.

Hindi ba niya sinisita ang mga bastos na manonood ng concert?

“No. Kasi parang ano lang ‘yan, parang sa social media ka, may mga bashers.

Continue reading below ↓

“Alangan naman i-reprimand mo. Hindi, e, mas lalo pang lalaki,” sagot ni Lani.

LANI ON RUDE AUDIENCE MEMBERS

Nagkuwento pa si Lani sa ilan pang hindi magagandang experience niya mula sa mga manonood habang nagpe-perform siya.

“Actually, nasa banda pa ako nun. Meron sa audience na mga hambog.

“Siyempre banda ako, di ba? Meron sa audience... maliit na lugar lang yun, e. tiny lounge… 'tapos kumakanta kayo ng banda mo, 'tapos biglang paghihikaban ka.

“Parang, ‘Ano ba 'yan?’

As in malakas, kasi ang liit-liit lang nung lugar. Maraming mga ganung ano…

“'Tapos meron namang talagang nagdadaldalan sila, talagang nananadya. Alam mo yun?"

Maging sa U.S., kung saan matagal na nanirahan at nagtrabaho si Lani, may mga pambabastos din daw siyang naranasan.

Aniya, “Meron sa Amerika. Kasi sa audience siya, parang hindi talaga siya pumapalakpak.

“I don’t know kung ano yung ginagawa ko, I don’t know kung ano... basta ending, tumayo naman siya.”

Continue reading below ↓

Natanong ito kay Lani dahil kamakailan ay naging viral ang video ng young singer na si JK Labajo, na nagmura nang paulit-ulit at nag-dirty finger pa sa isang miyembro ng audience.

Ito ay dahil sumisigaw ang audience member ng “I love you, Darren,” na ikinainis ni JK.

Ang The Aces ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa March 30, Sabado.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Nightingale Lani Misalucha relates that she experienced that while she is singing, people from the audience would shout Regine Velasquez's name. Recently, JK Labajo was caught on cam cursing and flashing a dirty finger on stage when someone from the audience shouted "I love you, Darren."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results