Angelica Panganiban gives netizen dressing down for calling her "laspag"

by Melba R. Llanera
Mar 14, 2019
Angelica Panganiban on whether she cried over Carlo Aquino recently: "Hindi. Muntik lang, 'tapos naisip ko, 'Bakit?' Ganun, huwag na lang. Wala, e, bakit ako magmu-move on, saan?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi napigilan ni Angelica Panganiban magbigay ng saloobin nang i-share ng isang netizen online ang screenshot ng isang group chat conversation kung saan inisa-isa ang kanyang mga naging karelasyon.

Kabilang sa mga naging boyfriend ng Kapamilya actress mula sa showbiz ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, at Carlo Aquino.

Sa nasabing pag-uusap ay tinawag na “laspag” si Angelica.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angelica sa Playhouse thanksgiving media conference noong March 12, Martes, ipinaliwanag niya kung bakit sinagot niya ang netizen na tumawag sa kanyang "laspag."

Saad ng 32-year-old actress, "Hindi kasi magandang magsalita ka ng di maganda laban sa ibang babae.

"Parang hindi ko yun kayang palagpasin.

"Kasi, unang-una, masama na ngang magsabi ng di maganda sa kapwa.

"Pangalawa, ke babae mong tao, babae rin yung ide-degrade mo.

"Paano mo ba tinitingnan ang sarili mo as a woman, di ba? Ano yung disposisyon mo?

Continue reading below ↓

"E, magulang siya. Parang di naman maganda na ganun yung gusto mo na maging example, di ba?"

Patuloy pa ni Angelica, "May mga bagay na kailangan mo lang i-call yung attention para may mga bagay na tumigil lang at tigilan ka lang din."

Tanong namin kay Angelica: sa dinami-rami ng mga namba-bash sa kanya, naaapektuhan pa ba siya sa mga ito?

Sagot niya, "Hindi naman para maapektuhan ka na wala na, ayaw mo nang mag-artista.

"Parang pag may nabasa ka, 'O wow! Ang galing, ah! Ang galing ng mga opinyon nila.'

"Hindi naman mawawala yun, pero hanggang dun lang yun. Wala kang magagawa dun."

ANGELICA THANKFUL TO CARGEL FANS

Isa sa madalas mam-bash at pumuna kay Angelica ay fans ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Aminado ang aktres na noong una ay sumama ang loob niya sa mga ito.

"Nagkaroon, nagkaroon ng sama ng loob, pero wala na ngayon."

Nagpapasalamat naman si Angelica sa solid supporters ng CarGel na humanga at nagmahal sa tambalan nila ng ex-boyfriend.

Continue reading below ↓

"Sobra akong thankful sa lahat ng suportang ginawa nila hanggang ngayon.

"Siguro mas nahihiya pa nga ako, e. Wala, e, ganito ang nangyari.

Sa kabila naman ng hindi na pag-uusap nina Angelica at Carlo, patuloy naman ang komunikasyon ng mga magulang nila.

"Ang alam ko nag-uusap ang parents niya saka yung Mama ko."

STORIES WE ARE TRACKING

NO REGRETS

Sa isang interview kay Angelica ay nabanggit nitong hindi niya ugaling bumalik sa past relationships niya.

Sa di magandang kinauwian ng naudlot na pagbabalikan sana nila ni Carlo, may pagsisisi kaya ang Kapamilya actress na naging bukas siya sa pakikipagbalikan sa ex-boyfriend?

"Pagsisisi? Hindi naman, kasi kung ano naman ang naramdaman mo, naramdaman mo yun.

"Pagka sinabi mo, sinabi mo yun, di ba? Hindi ako naniniwala dun sa pagsisisi."

Sa kabila ng mga masasakit na pinagdaanan niya sa pag-ibig, hindi naman nawawala ang positibong pananaw ni Angelica na magmahal at mahaling muli.

"Oo, hindi, matagal na akong excited, matagal na akong ready.

Continue reading below ↓

"Buo? Sana, siyempre, dapat. Ganun dapat.

"May pag-iingat, pero kailangan mong ibigay yun, kasi kung ibinigay mo sa taong hindi deserving, bakit mo ipagdadamot sa taong deserving?"

May isyung pinupukol kay Carlo na ginamit lang niya si Angelica, kaya nabigyan ng kahulugan ang minsang nai-post ng aktres na "mangga" sa IG Story nito kamakailan.

Marami ang nagtatanong kung patungkol ito sa dating kasintahan.

Paliwanag ni Angelica, "Summer. Bakit my naisip kayong iba?

"E, kung kayo, kayo ang nakaisip nun, di ako yun.

Iniyakan ba niya ang nangyari sa kanila ni Carlo at naka-move on na ba siya rito?

Pahayag ni Angelica, "Hindi. Muntik lang, 'tapos naisip ko, 'Bakit?' Ganun, huwag na lang.

"Wala, e, bakit ako magmu-move on, saan?

"May sadness pero nangyayari yun sa araw-araw na buhay ng isang tao. Di puwedeng masaya ka palagi."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on whether she cried over Carlo Aquino recently: "Hindi. Muntik lang, 'tapos naisip ko, 'Bakit?' Ganun, huwag na lang. Wala, e, bakit ako magmu-move on, saan?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results