Dawn Chang reveals ex-suitor Arron Villaflor has naughty side

by Rey Pumaloy
Mar 15, 2019
Dawn Chang says her circle of friends in showbiz grew because of Arron Villaflor: "Marami akong nakilalang celebrity friends because of him. Kasi konti lang ang celebrity friends ko. Hindi kasi ako ma-party. Pero nung lagi kaming nagsasama, we go to the gym before, ang dami niyang friends na ipinapakilala niya sa akin."
PHOTO/S: Instagram

Nilinaw ni Dawn Chang ang tungkol sa napabalitang pambabasted niya sa kapwa Kapamilya artist na si Arron Villaflor.

Pahayag ng 2015 Pinoy Big Brother 737 housemate, "E, kasi I’ve tried before na ka-work ko yung ka-relasyon ko and it’s very difficult.

"Ako, I can. I can work kahit na under pressure, kahit magka-away kami ng dyowa ko, I can do that. Pero may mga taong hindi kaya, yun ang mahirap sa akin."

Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng promotion ng historical movie na Goyo: Ang Batang Heneral, na kinabilangan ni Arron, inusisa siya kung apektado siya sa hindi nila pagkakatuluyan bilang magkasintahan ni Dawn.

Ito ay dahil napabalita noon na madalas na nagta-travel si Arron sa mga island resort sa bansa, dahil may dinidibdib itong kaibiguan sa pag-ibig.

Sa parte ni Dawn, itinanggi niya na kaya niya binasted si Arron dahil posibleng maging possessive ito sa kanya.

"Hindi naman. Mabait si Aaron. It's just that may mga bagay na... malalaman mo naman 'yan, when you go through the friendship."

Continue reading below ↓

Diin pa niya, "Mas mabuti na we stay friends."

Walang ideya si Dawn na dumanas ng kabiguan sa pag-ibig si Arron dahil sa kanya noong nakaraang taon.

Aniya, "So to be honest, hindi. Hindi niya nasabi sa akin ever na na-heart broken siya."

Katunayan, sabi ni Dawn, nag-usap pa sila ni Arron tungkol sa naging kasintahan ng dalaga na si Justin Cuyugan.

Noong panahong iyon ay kahihiwalay naman ni Arron sa girlfriend nitong si Jane de Leon, miyembro ng GirlTrends.

Patuloy ni Dawn: "Kasi nung naging kami ni Justin, he was very, very supportive. And sabi niya, he was very, very happy for me.

"And sinabi ko rin na happy rin naman ako for you.

"Actually, nung ABS CBN ball nilapitan niya ako at sinabi niya he’s very, very happy for me at nainggit siya na sana one day maging happy din siya.

"Sabi ko sa kanya, one day you will be happy, basta magpakabait ka."

Continue reading below ↓

Hindi ba mabait si Arron?

Mabilis na sagot ni Dawn, “Mabait siya, pero you know for a successful relationship, you have to consistent and persistent.

"So, kailangan maging mabait ka lalo na sa partner mo.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa mediacon ng lalabas na comedy film under Regal Films, ang Papa Pogi.

Ginanap ang event nong March 7, Thursday, sa Valencia Events Place, QC.

ARRON'S NAUGHTY SIDE

Umayon naman si Dawn sa sinabi ni Arron na naging malapit sila sa isa’t isa, pero hindi ito nauwi sa official relationship.

Tugon ng dalaga, "Yeah, oo. Kasi nga kailangan mabait ka. Hahaha!"

Nang makita ni Dawn ang intriguing facial reaction namin, iginiit niyang mabait ang Kapamilya actor.

"Mabait siya pero may naughty side 'yan si Aaron," nangingiting pambubuking niya sa kaibigang aktor.

Dugtong ni Dawn, "Pero he’s a very, very nice person."

Continue reading below ↓

Patuloy pa ng petite Umagang Kay Ganda segment host, “May naughty side siya… pero ano siya, friendly siya.”

Hindi puwedeng pagkatiwalaan?

Sagot niya, "Hindi naman, pero friendly siya in a way…”

Friendly sa mga babae? Tanong muli ng PEP.ph.

Mabilis niyang sagot, "At lalake."

FRIENDS IN SHOWBIZ

Nabibigyan ng malisya ang statement ni Dawn sa reaksyon namin kaya ipinaliwanag niyang mabuti ang pahayag.

"Hindi, marami akong nakilalang celebrity friends na boy. Hoy, hindi katulad nang naiisip niyo, ha?” paglilinaw ni Dawn.

Ang tinutukoy ni Dawn ay ang pagkakaroon niya ng mga kaibigang lalaki na mga kabarkada ni Arron.

"Marami akong nakilalang celebrity friends because of him. Kasi konti lang ang celebrity friends ko. Hindi kasi ako ma-party.

"Pero nung lagi kaming nagsasama, we go to the gym before, ang dami niyang friends na ipinapakilala niya sa akin. Tapos naging friends ko na rin sa showbiz."

Continue reading below ↓

Iginiit ni Dawn na hindi siya possessive, na tipong ayaw niya ng maraming kahati o kaagaw sa atensyon ng isang makakarelasyong lalaki.

"Ay, hindi! Not at all. Ako lang yun as a person, hindi ako ma-party, hindi ako mainom.

"Di ba, that’s where you know a lot of people instantly? You become friends with a lot of them. E, hindi ako ganun.

"So, yung effort ko to have friends iba. Tapos, hindi ako mahilig sa small talk.

"Gusto ko may sense kausap. Saka ang gusto ko sa tao, may sense ka kausap, or sobrang wala kang sense kausap. Yung sira-ulo lang tayong dalawa.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang says her circle of friends in showbiz grew because of Arron Villaflor: "Marami akong nakilalang celebrity friends because of him. Kasi konti lang ang celebrity friends ko. Hindi kasi ako ma-party. Pero nung lagi kaming nagsasama, we go to the gym before, ang dami niyang friends na ipinapakilala niya sa akin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results