Claudine Barretto remembers the late Rico Yan on his birthday

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2019
Claudine Barretto remembers Rico Yan, her ex-boyfriend and screen partner who died in March 2002.
PHOTO/S: File

Muling inalala ni Claudine Barretto ang dating nobyo at namayapang sikat na matinee idol na si Rico Yan sa ika-44 kaarawan sana nito noong March 14.

Kahapon, March 15, dalawang magkasunod na posts ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram feed.

Una rito ay isang photo collage ng late boyfriend.

Saad niya sa caption, "My luv & my Life. always & forever."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, isang quote card naman na may nakasulat na, "I thought of you today but that is nothing new. I thought about you yesterday and the days before that too.

"I think of you in silence, I often speak your name.

"All I have are memories and your picture in a frame.

"Your memory is a keepsake from which I'll never part.

"God has you in his arms, I have you in my heart."

Nakalagay naman sa caption niya, "In my heart every single day RY."

Continue reading below ↓

Sumikat ang real-life couple na sina Rico at Claudine dahil sa ilang serye at pelikula na kanilang pinagtambalan.

Kabilang sa mga ito ay ang prime-time series na Mula Sa Puso (1997-1999) at Saan Ka Man Naroroon (1999-2000).

Blockbusters din ang mga pelikula nilang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998), Mula Sa Puso The Movie (1999), at Got 2 Believe (2002).

Ikinagulat naman ng karamihan ang biglaang pagpanaw ni Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo, habang nakabakasyon ito sa Dos Palmas Island Resort sa Puerto Princesa, Palawan. Siya ay 27 years old.

Palabas pa rin noon sa mga sinehan ang pelikula nila ng nobyang si Claudine na Got 2 Believe, kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ng binata na iyon na ang huling pagkakataong masisilayan ang aktor.

Read Next
Read More Stories About
Claudine Barretto, Rico Yan
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto remembers Rico Yan, her ex-boyfriend and screen partner who died in March 2002.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results