Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vickie Rushton files application for Binibining Pilipinas 2019

by Bernie V. Franco
Mar 18, 2019
After failing to secure a major crown last year, Vickie Rushton will once again try her luck in Binibing Pilipinas 2019.
PHOTO/S: @thejasonabalos and @vimrushton on Instagram / Credit to the owners

Muling susubukan ni Vickie Rushton, 26, ang kanyang kapalaran sa isang national beauty pageant.

Pormal nang isinumite ni Vickie ang kanyang application para sa Binibining Pilipinas 2019 nitong March 15, Biyernes, na siyang huling araw ng pagsusumite ng application.

Hinihintay ngayon ang announcement ng mga aplikanteng nakapasa para maging official candidates sa naturang kumpetisyon.

Kung makakapasa sa Binibining Pilipinas 2019, ito ang ikatlong pagkakataong sasabak sa isang national beauty pageant si Vickie.

Noong 2011 ay nakuha niya ang korona ng Mutya ng Pilipinas.

Noong 2018, sumali si Vickie sa Binibining Pilipinas kung saan nagtapos siya bilang first runner-up.

Ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2018 ay si Catriona Gray, na kalaunan ay naiuwi ang Miss Universe 2018 crown.

Nakilala ng publiko si Vickie nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014, kung saan hinirang siyang fourth big placer.

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang boyfriend ni Vickie, ang aktor na si Jason Abalos, nang i-post nito ang larawan ng girlfriend sa Instagram.

Continue reading below ↓

Caption ng aktor: “Ang ganda mo naman goodluck [kissing emojis]”

Sa recent guest appearance ni Vickie sa Magandang Buhay, sinabi nitong supportive boyfriend si Jason.

“Siya yung nagpu-push talaga,” sabi ng beauty queen.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After failing to secure a major crown last year, Vickie Rushton will once again try her luck in Binibing Pilipinas 2019.
PHOTO/S: @thejasonabalos and @vimrushton on Instagram / Credit to the owners
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results