Keempee de Leon says he did not inform dad Joey de Leon about his appearance in It’s Showtime

by Bernie V. Franco
Mar 20, 2019
Keempee de Leon (left) says he remains on good terms with dad Joey de Leon (right), even if Keempee was not allowed to return as host to Eat Bulaga! the longest-running noon-time show, where Joey is one of the pillars.
PHOTO/S: Noel Orsal / @angpoetnyo on Instagram

May tampo ba si Keempee de Leon sa amang si Joey de Leon kaugnay ng hindi pagpapabalik sa kanya sa Eat Bulaga?

Ito ang isa sa mga tinanong ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makausap si Keempee sa grand presscon ng upcoming Kapamilya daytime series na Nang Ngumiti Ang Langit.

Ginanap ang presscon sa 9501 restaurant ng ELJ Building, sa ABS-CBN compound, Martes ng tanghali, March 19.

Dito ay inamin ni Keempee na sinabihan siyang huwag nang bumalik sa Eat Bulaga!, pero hindi ibinigay ang dahilan kung bakit.

Naging co-host si Keempee ng longest-running noontime show sa loob ng 14 years.

IT’S SHOWTIME GUESTING

Isa rin sa mga itinanong kay Keempee ay ang paglabas niya sa It’s Showtime, ang Kapamilya noontime show na katapat ng Eat Bulaga!, bilang bahagi ng promo ng Nang Ngumiti Ang Langit.

Ipinaalam ba niya sa kanyang ama na lalabas siya sa It’s Showtime?

Continue reading below ↓

Si Joey ang isa sa original at main host ng Kapuso noontime show.

Sagot ni Keempee, “Honestly, hindi.”

Ang kinausap daw ng TV host-actor ay ang kanyang manager na si Malou Choa-Fagar, na lady boss din ng T.A.P.E., Inc., producer ng Eat Bulaga!

Inamin n Keempee na pinakiusapan siya ng kanyang manager na huwag lumabas sa It’s Showtime dahil katapat ito ng Eat Bulaga!, pero ipinaglaban daw niya ito.

“Ako naman, in a way, ipinaglaban ko.

"Parang sabi ko, ‘Tita [Malou], lumipat na ako. Alam mo naman 'yan.’

"So, heto is promotion lang ng show."

Diin pa ni Keempee, “Hindi naman sa porke't maggi-guest ako, e, tatapatan ko sila o nagrebelde.

“Ako naman, about professionalism. Ito ay trabaho ko.

“Ang hirap lang kasi, sabi nila, kasi andun si Daddy nga, dahil work ethics. Isa pa, kung ano ang iisipin ni Daddy.

Continue reading below ↓

"Sa loob-loob ko, 'Papa'no naman ako? Papa'no ako makaka-move on? Paano ako magtatrabaho kung laging yun ang sasabihin?'

“Kumbaga, my respect is with my dad. And Eat Bulaga! is there for 40 years.

“Ako, ito, is promotion ng show and nakalipat na ako.

“I guess I have to make my own decisions.”

Pinasalamatan naman ni Keempee si Malou na naunawaan ang paglabas niya sa It’s Showtime.

NO REACTION

Ano naman ang reaksiyon ng mga dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga! sa kanyang paglipat sa ABS-CBN?

“Wala akong nakuhang reactions from them, kasi naka-tape ata sila that time, nasa Israel yata sila,” sagot ni Keempee.

Tinanong din si Keempee kung ano ang maaaring nararamdaman ng mga dati niyang kasamahan sa Eat Bulaga! kaugnay ng kanyang paglipat.

Sagot niya, “Sana maindintihan nila ang part ko because I’m in this business for quite some time.

Continue reading below ↓

“Trabaho lang naman itong ginagawa ko, walang personal, e.

“So sana lang, sinabi ko naman kay Tita Malou, huwag namang personalin.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon (left) says he remains on good terms with dad Joey de Leon (right), even if Keempee was not allowed to return as host to Eat Bulaga! the longest-running noon-time show, where Joey is one of the pillars.
PHOTO/S: Noel Orsal / @angpoetnyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results