BB Gandanghari suffers from anxiety attack, emotional distress due to "workplace bullying"

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2019
BB Gandanghari takes to Instagram to reveal that she was hospitalized due to severe emotional distress and anxiety attack.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram

Matinding anxiety attack at emotional distress ang nararanasan ni BB Gandanghari, 51, bunsod ng diumano'y pambu-bully at diskriminasyon sa kanya sa trabaho.

Ito ang ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram post nitong Biyernes ng umaga, March 22.

Kasalukuyang naninirahan si BB sa U.S., kung saan nagtatrabaho siya bilang Uber driver.

Sa kanyang recent Instagram post, makikita ang larawan ng kanyang kamay na may suot na hospital wristband.

Sabi ni BB sa caption, nakararanas siya ng pang-aalipusta sa pinagtatrabahuan dahil sa pagiging transgender at dahil sa kanyang lahi.

Ang ikinakasama pa ng loob ni BB, ang kanyang pinagtatrabahuan ay sinasabing “SAFE ZONE” sa mga taong kagaya niya.

Bahagi ng mensahe ni BB: “Say NO to workplace BULLYING.... What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?”

Continue reading below ↓

Inirekomenda raw ng kanyang doktor na magpahinga muna siya sa trabaho at magpaospital.

“My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God.”

Ginamit din ni BB ang mga sumusunod na hashtags: "#SayNoToBullying #NoToDiscrimination #NotoRacism #NotoHypocrisy"

Habang nagtatrabaho bilang Uber driver, sinusubukan din ni BB ang kanyang suwerte sa Hollywood.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari takes to Instagram to reveal that she was hospitalized due to severe emotional distress and anxiety attack.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results