Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie: "Never."

by James Patrick Anarcon
Mar 24, 2019
Gretchen Barretto declares this about relationship with sister Marjorie: "As far as Marjorie is concerned, allow me to say: 'never.'"
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @marjbarretto on Instagram

Hindi bukas si Gretchen Barretto sa pakikipag-ayos sa kapatid nitong si Marjorie.

Idineklara ito ni Gretchen sa pahayag niya sa DZMM Teleradyo kagabi, March 23.

Sabi ng 49-year-old actress, "May kasabihan nga, 'Never say never,' but as far as Marjorie is concerned, allow me to say: 'never.'

Ikinagulat naman ito ni Ogie Diaz, na isa sa mga host ng programa sa DZMM kasama ni MJ Felipe, kung saan na-interview si Gretchen sa pamamagitan ng Viber.

Paliwanag naman ni Gretchen tungkol sa kanyang statement, "Ganito lang yan, di ba, may kasabihang 'Never say never?'

"Pero allow me or indulge me, gusto kong sabihing with regards to Marjorie, 'Never.'

"Simply because I value my life, I value my mental health, I value my peace, and my finances.

"I am not ready and I don't think I will ever be ready with Marjorie."

Ayon kay Gretchen, naging "toxic" na raw ang nakababatang kapatid sa kanya.

Continue reading below ↓

"She has become so toxic in my life na I would not stop loving her, but I also love myself, I also love my family. So let me stop there."

Matapos maisapubliko kamakailan ang pag-aayos nina Gretchen at ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine, marami na rin daw sa kanilang followers ang naghahangad na magkaayos sina Gretchen at Marjorie, pati na rin ang kanilang buong pamilya.

Subalit may hiling si Gretchen sa kanyang mga tagahanga tungkol dito.

Patuloy niya, "Kasi alam ko, maraming mga nagko-comment sa akin, Ogie, na sinasabi nila ngayon na, 'Okey na kayo ni Claudine.'

Parang ang sinasabi nila, ang wish nila, sana maging okey na kaming buong pamilya.

"I’m not ready and I don’t think I’ll ever be ready to be okay with them, because 'pag sinabi n'yo, 'Pinagdadasal po namin, Miss Gretchen, na maging okey kayo with the rest of the family.'

"Huwag ho ninyo idasal 'yon, kasi pag dinasal n'yo yun, hindi ko po kaya.

Continue reading below ↓

"Mentally, emotionally hindi ko po kaya.

"Right now,l I am happy where I am, I am happy with Claudine, I am happy with my children and that’s all I want."

"I CANNOT BE CRUCIFIED FOR THE LIFE THAT I LIVE."

Sumunod naman na tanong ni Ogie kay Gretchen ay kung tinatapos na ba niya ang relasyon nito kay Marjorie.

Paliwanag ni Gretchen, "Sweetheart, hindi sa tinatapos. It’s just that alam mo, may kasabihan, responsibilidad natin ang sarili nating mental health, emotional health, yung state natin, what we feel.

"I feel like I am most at peace without Marjorie, and without the rest of the ones that you’re mentioning."

Hindi man diretsong sinabi ni Gretchen ang dahilan kung bakit ayaw niyang makipag-ayos kay Marjorie, subalit sinabi niyang hindi niya gustong makisama sa mga taong hinuhusgahan daw ang paraan ng kanyang pamumuhay.

"I am okay, I feel this certain sense of freedom that I can be okay with myself without being blamed for the kind of life that I need, the life that I enjoy.

Continue reading below ↓

"I don’t want to live a life na people—the people I supposedly love—will keep on judging me na 'Tignan mo yan, ganito ang mga kotse, ito ang mga bahay, ito ang mga ginagamit, 'tapos kami, ganito.'

"I cannot be crucified for the life that I live and for the things that I have, yun lang ang sinasabi ko.

"So, bakit ako sasama sa mga tao who’ll always feel like they need to own what I own? Ang dami kong sinabi! Ha-ha-ha!"

Sa ngayon daw, masaya at maluwag sa pakiramdam ni Gretchen na hindi nakakasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.

Aniya, "Kasi alam mo, kultura lang talaga natin yan, Ogie and MJ, na sinasabi nila, ang pamilya, ang kadugo, walang blah-blah-blah.

"But you know what? For the past few years, I have found refuge and comfort and a lot of love and I feel so great with the people I’m with, and they are not blood-related at all.

Continue reading below ↓

"They don’t need my money, they don't need anything from me, just me, because okey lang kami.

"Ayoko noong pinapanood parati yung ginagawa ko at kung anong meron ako at kung anong pwedeng makuha sa akin, parang I’ll never feel safe, I want to feel safe."

GRETCHEN-MARJORIE "SILENT WAR"

Taong 2014 nang unang magkaroon ng ispekulasyong may alitan sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.

February 2015 naman nang kinumpirma ni Gretchen sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na may "silent war" sila ng kapatid.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Gretchen tungkol dito.

Muling naisabuhay ang alitan ng dalawa sa sanga-sangang rebelasyong nabanggit ni Gretchen sa kanyang March 21 Instagram Live streaming kasama ang kapatid na si Claudine.

Nag-ugat ito sa mga pahayag ng anak ni Marjorie at pamangkin ni Gretchen na si Dani Barretto, tungkol sa pagsiwalat nito na hindi sila on-good terms ng amang si Kier Legaspi.

Continue reading below ↓

Una na rito ang alegasyon ni Gretchen na si Marjorie ang humahadlang kay Kier para magkalapit ang loob nila ng kanyang anak.

Naglabas din si Gretchen ng sentimyento na si Marjorie lang ang tanging in-acknowledge ni Dani na nagpalaki sa kanya.

Pinaalala ni Gretchen na sa bahay niya sa Blue Ridge Village sa Quezon City tumira si Marjorie noong ipinagbubuntis nito si Dani.

Si Gretchen din umano ang tumulong sa iba pang pinansiyal na pangangailangan sa pagpapalaki kay Dani noon.

Hindi man daw gusto ni Gretchen na magbilang ng mga naitulong niya noon kay Marjorie, pero ang punto raw niya ay bigay-todo siya magmahal sa kapatid at pamangkin.

Tila dedma naman si Marjorie sa mga pahayag ni Gretchen.

Bagamat sumagot siya sa comments ng kanyang Instagram followers tungkol sa mga rebelasyon nilang magkapatid, ang naging sagot lang ni Marjorie sa mga ito ay tatlong heart emojis.

GENEROUS CLAUDINE

Pagdating naman sa kapatid niyang si Claudine, alam ni Gretchen na hindi ito umaasa sa kanya pagdating sa mga materyal na bagay.

Continue reading below ↓

Una nang nabanggit ito ni Gretchen sa March 21 Instagram Live session niya kasama si Claudine, kung saan sinabi niyang: "Siya lang ang kapatid ko na hindi ako kinailangan, na hindi niya ako ginamit."

Samantala, sa interview ni Gretchen sa DZMM, sinabi nitong si Claudine pa raw ang walang tigil ang pagbibigay ng regalo kay Gretchen, bukod sa partner niyang si Tonyboy Cojuangco at anak na si Dominique.

Saad ni Gretchen, "E, si Claudine, she doesn’t need anything. Pag binigyan ko siya ng a little something, my God, wala nang tigil ang pagkakaregalo sa kanya.

"I told her, 'Alam mo, babe,'—I call Claudine babe—'Babe, you know, I’m not used to gifts that you shower me, ikaw lang ang nagbibigay sa akin,' of course, aside from Dad, ha, who gives me everything, and Dominique.

"Pero sabi ko, ibang tao kasi, they give me token-token, pero Claudine showers me with everything that I like and I love. Nahihiya ako, parang natutunaw ako kapag nireregaluhan ako ng gamit.

Continue reading below ↓

"Kasi ako, yun ang love language ko kasi, e. Kapag mahal kita, reregaluhan kita, 'pag alam kong gusto mo ng cookies, bibigyan kita ng isang dosenang cookies hanggang tumaba ka at dumoble ka. Alam mo yun?

"Gano'n ako magmahal, gano'n din si Claudine."

Sa ngayon, masayang-masaya si Gretchen sa relasyon niya sa bunsong kapatid.

"Right now I just feel Claudine and I are so in sync, and I'm just so happy.

"Right now, Claudine and I are going through the honeymoon stage, parang kami lang dalawa and I love it."

Sinagot din ni Gretchen ang mga comment ng ibang netizens tungkol sa hindi pagpu-post ni Claudine ng mga litrato kasama ang kanyang ate.

Paliwanag ni Gretchen, "Maraming nagtatanong, also doon sa Instagram post kay Claudine, mga comments na, 'How come si Gretchen, hindi niya pinu-post?'

"Kasi feeling ko, yung mga nagpa-follow kay Claudine, they follow me as well.

"So, I feel like, magdu-duplicate.

Continue reading below ↓

"Alam mo kami, artist tayo, from show business, may pagka-over.

"So, I don’t want to overdo things na alam ko naman over na yung mga actions namin."

RELATIONSHIP WITH MOM AND DAD

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hindi rin maayos ang relasyon ni Gretchen sa mga magulang nitong si Estrella "Inday" Barretto at Miguel Barretto.

Tinanong din ni Ogie kay Gretchen kung kamusta na sila sa ngayon ng kanyang mga magulang.

Ito ang naging maikling sagot ng Magkaribal actress.

"Alam mo, Ogie, I believe I spoke enough and a lot a few years back about my relationship with them.

"Right now, I feel like we have been quiet, they have kept quiet and as a sign of respect, I’d like to give them peace and I want my peace as well, let’s leave it like that."

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto declares this about relationship with sister Marjorie: "As far as Marjorie is concerned, allow me to say: 'never.'"
PHOTO/S: @gretchenbarretto / @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results