Gretchen Barretto explains why she sides with Nicko Falcis against Kris Aquino

by James Patrick Anarcon
Mar 25, 2019
Gretchen Barretto (left) on going up against Kris Aquino (right): "It’s easier. Maybe you can call me a coward that I'm reacting right now because Kris is powerless."
PHOTO/S: @juansarte / @krisaquino on Instagram

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Sa unang pagkakataon inihayag ni Gretchen Barretto ang dahilan ng pagpanig niya kay Nicko Falcis laban kay Kris Aquino.

Si Nicko ang dating managing director ng digital company ni Kris—ang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP)—na sinampahan ng web star/actress ng 44 counts ng Qualified Theft noong October 12, 2018.

Sa panayam sa kanya nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM Teleradyo kagabi, March 23, tinanong si Gretchen kung ano ang kinalaman niya sa alitan nina Nicko at Kris.

Sagot ni Gretchen, "Alam mo ako, Ogie, tingnan mo yung record ko kahit bata pa ako. I stand for what’s right.

"I’m not saying I’m the most pure person on earth, pero kung ang tama, tama. Nandoon ako sa tama. You get what I mean?

"If you remember the... anong year ba yun? Yung scam, 1994?"

Ang tinutukoy na "scam" ni Gretchen ay ang sigalot sa 1994 Manila Film Festival, kung saan may naganap na gulo sa awards night sa harap mismo ng TV cameras.

Ang totoong nagwaging Best Actor at Best Actress ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez, subalit sina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez ang inanunsiyong nagwagi.

Isa si Gretchen sa nag-present ng award, at, kalaunan, siyang naging "whistleblower" ng scam.

Sumumpa ito sa imbestigasyon na may nangyaring pandaraya sa gabi ng parangal at na si Lolit Solis, ang manager noon ni Gabby, ang mastermind.

Pagpapatuloy ni Gretchen, "Hindi sa may pinapanigan ako. Kahit kaibigan kita, Ogie, pag mali ka, mali ka. Pag inaapi ka, nandoon ako, kahit hindi kita kaibigan."

Sa kasalukuyan, ni hindi pa raw nakikilala nang personal ni Gretchen si Nicko at ang kapatid nitong si Atty. Jess Falcis.

"To tell you honestly, hindi ko pa nakikilala si Nicko at si Atty. Jesus Falcis in person.

"I have not seen them in person, I have not met them in person."

Ngunit tungkol kay Kris at sa isyu nila, ayaw muna magsalita ni Gretchen.

Saad ng aktres at endorser, "This is another topic that deserves another airtime, you know what I mean?

"Right now, yung revelation ni Nix Falcis sa kanyang Instagram account, yun na lang, sundan niyo muna.

"I don’t need to repost it right now pero nandun lang ako sa tama."

Continue reading below ↓

GRETCHEN BARRETTO VS. KRIS AQUINO

Sumunod namang tanong ni Ogie kay Gretchen, "Wala ka namang galit kay Kris?"

Diretsahang sagot ni Gretchen, "Meron."

Subalit kaagad niyang dinugtong, "Pero, this is not the time that I will speak.

"This is the issue right now, what I am talking about. Huwag nating io-overload ang tao.

"But there’s always a reason kung bakit nagre-react ang mga tao."

Ani Gretchen, darating din ang panahong magsasalita siya sa tunay na pinag-ugatan ng alitan nila ni Kris.

Paliwanag niya, "One day, Ogie, I would talk.

"Pero may rason. Hindi ako yung out of the blue nagsalita, out of the blue lumalaban, no. May pinaglalabanan ako.

"I know the truth and I know what’s happening, and I know what has been done to me.

"Alam mo, meron akong pagka-delayed reaction. Yung kunyari, sasampalin mo ako, that doesn't mean na it happened na sinaktan mo ako.

"You do something to me today, hindi ako nagre-react ngayon, I may react many years later."

Ayon pa kay Gretchen, "powerless" na si Kris ngayon kaya sa tingin niya ay maaari na siyang mag-react sa mga isyu.

"It’s easier. Maybe you can call me a coward that I'm reacting right now because Kris is powerless.

"But this is the time I feel I can react because then, or for the longest time, she had the power and she did everything that she wanted.

"But right now, I will leave everything to Nix, let Nix do his revelation, and that’s more than enough."

Unang nagpahayag ng suporta si Gretchen kay Nicko noong January 5, 2019, nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang screenshot ng title ng artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na naglalaman ng official statement ni Nicko.

Sa caption ng post ni Gretchen ay hayagang sinuportahan ni Gretchen si Nicko, sa kabila ng wala naman silang anumang ugnayan.

Pinasaringan din noon ni Gretchen si Kris na "bully" ito at "power tripper."

Dahil dito, ilang tagasuporta ni Kris ang tumawag kay Gretchen ng "sawsawera."

Nang madaling-araw ng January 18, ikinuwento ni Gretchen sa kanyang Instagram Live kung ano ang pinanggagalingan ng pasaring niya kay Kris.

Ayon kay Gretchen, noon daw nakaupo pa ang kapatid ni Kris na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, na nanungkulan mula 2010 hanggang 2016, ay namagitan daw si Kris sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa negosyanteng si Alice Eduardo.

Ito ay para maibaba raw nang husto ang "hefty amount" ng buwis na babayaran dapat ng negosyante.

Common friend nina Gretchen at Kris si Alice.

Itinanggi ni Gretchen na "sawsawera" siya dahil usapin daw ng bayan ang ginawang pamamagitan ni Kris kay Alice at sa noo'y BIR commissioner na si Kim Henares.

Hindi direktang sinasagot ni Kris ang paratang ni Gretchen, ngunit ipinagdiriinan nitong isa siya sa top taxpayers ng bansa sa loob ng ilang taon.

Kasabay nito ay naglabas ng opisyal na pahayag ang Divina Law, legal counsel ni Kris, kung saan mahigpit nitong pinabulaanan ang akusasyon ni Gretchen na namagitan si Kris sa BIR at sa negosyanteng si Alice.

Hindi raw kailanman makikipagsabwatan ang kanilang kliyente sa sinumang personalidad na balak takasan ang pagbayad ng buwis.

Pinaalalahanan din ng legal counsel ni Kris na tigilan na ng mga taong walang kinalaman sa court battles ng web star/endorser ang pakikialam sa mga kontrobersiyang kinahaharap nito.

Noong February 23 naman, nagkaroon ng "thanksgiving party" si Gretchen, kasama ng ilang kaibigan, para sa pagkapanalo ni Nicko sa reklamong qualified theft na isinampa ni Kris laban dito sa Makati Prosecutor's Office.

Ayon sa source ng PEP, malimit nang nagkikita ang grupo ni Gretchen kapag Biyernes, at biglaang naging "thanksgiving party" ang pagtitipon nila ng February 23 dahil, noong nakaraang araw, nalaman ni Gretchen ang pagkapanalo ni Nicko.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

GRETCHEN THANKFUL TO CORY AQUINO

Noong January 5, sinagot ni Kris ang isang netizen na nagtanong ng kanyang reaksiyon sa hayagang pagsuporta ni Gretchen kay Nicko.

Ayon kay Kris, dedma lang siya sa komento ni Gretchen bilang pasasalamat sa pangangampanya nito para sa kanyang ina, ang yumaong President Cory Aquino, noong 1986.

Sa panayam kay Gretchen sa DZMM kagabi, sinabi naman nitong malaki ang utang na loob niya kay Cory, na tinatawag nilang "Auntie Cory" ng kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco.

Si Tonyboy ay anak ni Ramon Cojuangco, Sr., dating may-ari ng PLDT at pinsang buo ni Cory.

Ito raw ay dahil sa kabaitang ipinakita ni Cory sa kabila ng hindi pagtanggap ni Imelda "Meldy" Cojuangco, ina ni Tonyboy, sa anak ni Tonyboy at ni Gretchen na si Dominique.

Ani Gretchen, "You know, what holds me back from really going against this all these years is also Auntie Cory.

"Why? Because kung natatandaan ninyo, when Meldy Cojuangco, the mother of Tony Cojuangco, did not accept Dominique, the one who really stood up for my daughter Dominique was Auntie Cory.

"Auntie Cory always went to the birthday parties of Dominique as she was growing up, and Auntie Cory said that if Meldy does not accept Dominique as her grandchild, 'Aakuin ko si Dominique.'

"And she did that, and for that, malaki ang utang na loob ko kay Auntie Cory.

"She always made it a point to give Dominique little gifts, yung mga Hello Kitty from Tita Virgie Ramos.

"She always made her love felt by me, by Dominique. Even me, during my birthdays, she would always send me a book with personal notes or send paintings to Tony and I.

"In fact, in our lobby area in the house, we have a painting of Auntie Cory that Auntie Cory gave, and Auntie Cory gave a lot of paintings to Tony and me and Dominique."

Ang relasyon ni Gretchen kay Cory rin daw ang dahilan kung bakit sa matagal na panahon ay nagpigil si Gretchen na lumaban kay Kris.

Inulit din ni Gretchen na sa ibang pagkakataon siya magsasalita tungkol sa tunay na alitan nila ni Kris.

Patuloy pa ni Gretchen, "And, I will forever treasure that, and that’s what’s holding me back from fighting Kris.

"But Kris is a different, different species. I will give it for another time. That’s not the topic now."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto (left) on going up against Kris Aquino (right): "It’s easier. Maybe you can call me a coward that I'm reacting right now because Kris is powerless."
PHOTO/S: @juansarte / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results