Maine Mendoza talks about theme-park date with Arjo Atayde

by Melba R. Llanera
Mar 26, 2019
Maine Mendoza
PHOTO/S: Instagram

Lumabas ang mga larawan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa social media na magka-date sa Star City noong gabi ng March 20, Miyerkules.

Naka-face mask pa ang dalawa para hindi sila mamukhaan ng mga tao, pero kalaunan ay may mga nakakilala rin sa dalawa at nagpakuha pa ng pictures sa kanila.

Hindi naman ito itinanggi ng Kapuso star nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. na ginanap sa Star Theater sa Pasay City noong Linggo, March 24.

Kuwento ni Maine tungkol sa date nila ni Arjo, "Nagra-rides... wala lang. Random lang, spontaneous day out."

Sa hiwalay na interview naman kay Arjo ay inamin ng Kapamilya actor na gusto niya ang halos lahat ng katangian ni Maine.

Nang tanungin ang Eat Bulaga! host kung ano naman ang nagustuhan niya kay Arjo, umiwas na si Maine na sagutin ito.

Continue reading below ↓

"Basta," sambit niya.

Sa nakaraang interview naman ng kapatid ni Arjo na si Ria Atayde, nabanggit nitong boto siya kay Maine para sa kapatid dahil nakikita niya kung gaano ka-reciprocated ang importansiya at damdamin nina Maine at Arjo sa isa't isa.

Ayon naman kay Maine, masaya siyang nakakasama ang magkapatid.

"Talaga ba?" pabirong balik-tanong nito tungkol sa sinabi ni Ria.

Patuloy ni Maine, "Masaya, masaya naman.

"Mabait... nagkasama kami few times.

"Ayun, mabait naman, masaya kasi nakakasama ko sila."

Gaano kasaya ang puso niya ngayon?

Sagot ni Maine, "Basta masaya, marami namang bagay naman ang nagpapasaya sa akin.

"Masaya, sobra. Hindi ito mangyayari kundi dahil sa mga nanood at sumuporta sa Jack Em Popoy.

"Kaya sobrang thankful ako sa kanilang lahat at siyempre sa mga producers, kila Mr. Tuviera, Bossing Vic Sotto at Mr. Coco Martin."

Hinirang si Maine bilang Box Office Queen sa 50th Box Office Entertainment Awards.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results