Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Andi Eigenmann live-in partner Philmar Alipayo mistaken for bodyguard

by Rachelle Siazon
Mar 27, 2019
Andi Eigenmann's live-in partner Philmar Alipayo laughs off being mistaken for a bodyguard of the Kapamilya actress.
PHOTO/S: @chepoxz Instagram

Idinaan na lang sa tawa ng boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo nang pagkamalan siyang bodyguard ng Kapamilya actress.

Hindi raw inaasahan ni Philmar ang paglapit sa kanya ng isang grupo na hindi niya kakilala.

Bahagi ng Instagram Story ni Philmar noong Lunes ng hapon, March 25:

"So a random group of people came to me and said 'guard ka ba ni miss Andi?'"

Kung nainsulto man si Philmar sa maling konklusyon patungkol sa kanya, nilagyan niya ng tatlong laughing emojis ang kasunod na written text sa kanyang Instagram Story.

"I'm calling 911," pabirong saad niya sa nakakainit-ng-ulong tanong sa kanya.

Dagdag ni Philmar, "Smoke n da hell"

Continue reading below ↓

EXPECTING PARENTS

Eight months nang magkarelasyon si Andi Eigenmann at ng kanyang current boyfriend, na kilala bilang isang champion surfer na nakatira sa Siargao.

Noong February 1, 2019, masayang ibinalita ni Andi na siya'y 14-week pregnant at si Philmar ang ama ng nasa kanyang sinapupunan.

Kasunod nito ay inihayag ng Kapamilya actress na nagpapagawa sila ni Philmar ng kanilang bahay sa Siargao.

Continue reading below ↓

Noon pa lang October 2018, nasabi na rin ni Andi sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na napamahal na siya sa hometown ng nobyo.

Hinahati raw niya ang kanyang oras sa pamamalagi sa Siargao at sa Manila, kung saan nakabase ang anak ng aktres na si Ellie.

Nitong March 9, 2019, sunod na kinumpirma ni Andi na baby girl ulit ang kanyang ipinagbubuntis.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Andi Eigenmann, Philmar Alipayo
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann's live-in partner Philmar Alipayo laughs off being mistaken for a bodyguard of the Kapamilya actress.
PHOTO/S: @chepoxz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results